Pero hindi ko maiwasang mag overthink dahil baka ngayon lang kami ganito. Baka ngayon lang sya maging malambing sa'kin dahil bukas ay iiwan nya na ako.

Iiwan na ako ng babaeng ilang taon kong minahal at inalayan ng pagmamahal ko. Sa isang iglap, para bang ang dali lang sa kanyang iwan ako.

Nasasaktan ako pero hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Kung nakinig lang sana ako sa kanya ay baka hindi na namin kailangan pang maghiwalay. Baka hanggang ngayon ay kasing tatag parin kami ng panahong nagdaan.

Labindalawang taon. 12 years kaming magkarelasyon. Simula elementary hanggang sa naging high school at tumungtong kami ng college at kahit ng makagraduate na kami, kami parin at hindi kami tulad ng iba na on and off.

We manage to understand and grow together but now that we know what we want and have our own dream jobs, saka pa kami nabuwag. Saka pa kami naghiwalay at mukhang sa isang pitik lang ay wala na ang lahat.

She changed. Our relationship changed at puro sakit at panlalamig nalang ang nararamdaman namin sa isa't isa. Wala na ang dating kami. Bigla nalang nagbago ang lahat.

Dati rati, sabay kaming nangangarap na magkakaroon ng sariling pinangarap naming trabaho. Magkakaroon ng dalawang pares na kambal at magpapakasal.

Para bang hanggang pangarap at pagpaplano nalang nauwi lahat ng iyon. As yime goes by, maraming nagbabago. Maraming nawawala, maraming umaalis at walang katiyakan kung babalik pa ba ang umalis.

Ang hirap, masakit at para bang nagbibiro lang sayo ang tadhana. Bakit parang lahat ng nagmamahal, kailangang masaktan?

Bumalik nalang ako sa sala at naupo sa mahabang sofa. Binuksan ko ang laptop ko na nasa ibabaw ng lamesang maliit na katapat lang ng mahabang sofa na kinauupuan ko.

Sa netflix ako naghanap dahil may account naman rito. Hindi ako masyadong bumibili ng cd para makapanood ng movies dahil medyo malabo ito.

Habang naghahanap ako ng movie, bigla akong bumahing. Sunod sunod ang pagbahing ko, dahilan para lumabas si Shaneia mula sa kusina at lumapit sa'kin.

"Sinisipon ka?", malumanay na tanong nya nang makalapit sya sa'kin. Nag angat ako ng tingin sa kanya at napakunot ang noo ko dahil namumula ang mukha nya. Anong nangyari sa kanya?

"Bakit ka namumula?", takang tanong ko sa kanya. Seryoso lang syang nakatingin sa'kin at inilagay ang likod ng palad nya sa noo at leeg ko.

"Mainit ka. Nilalagnat ka ba? Hindi ka pa ba naliligo? Nabasa ka ng ulan kanina, Anthony, ah!"

Napahawak ako sa noo ko dahil pakiramdam ko ay nilalamig ako. Nakapa ko ang sarili ko at naramdaman kong medyo mainit ako. Magkakasakit pa ata ako!

Akmang uupo sya sa tabi ko nang umatras ako palayo sa kanya. Natigilan sya at nagulat sa ginawa ko. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha dahil akala nya ata ay iniiwasan ko sya.

"A-Ayokong mahawa ka sa'kin. Baka mahawa ka sa'kin", seryosong sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman sya at naupo sa tabi ko, walang pakialam kung mahawa sa'kin.

"Ano naman kung mahawa ako, kung maaalagaan naman kita?", ramdam ko ang sinseridad sa kanyang bawat binibigkas na salita pero nag aalala parin ako na baka mahawa sya sa'kin. Ayokong nagkakasakit ang reyna sa buhay ko.

"Alam mong ayaw kong nahahawa ka sa tuwing nagkakasakit ako. Hindi naman masama masyado ang pakiramdam ko. Okay lang ako."

Kumunot ang noo nya at ngumuso, dahilan para mapangiti ako.

"Hihintayin mo pa ba na lumala pa ang sakit mo? Magkasakit na kung magkasakit, ang mahalaga ay naalagaan kita. Ayokong nagkakasakit ka at alam mo rin 'yan. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, aalagaan kita. Ako ang bahala sa'yo kaya chill ka lang. Magpahinga ka lang at ako na ang bahala sa lahat."

All Too WellWhere stories live. Discover now