Kabanata 21

18 3 2
                                    

"Anong gusto ninyo!? Hayaang mamatay si Lucena? Ano pang ginagawa niyo!? Magsikilos nga kayo, mga walang silbi!"

Minulat ko naman ang aking mga mata at nakita si Juan, na hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Napansin din niyang nagising at nakaupo na ako sa aking hinihigaan.

"Mahiga at magpahinga ka muna, hindi ko ipinaalam ito kay Miguel. Ang alam niya at ng iba ay lumuwas ka kaninang madaling-araw upang tumungo sa Maynila"

"Pero bakit? Bakit mo kailangang gawin yun?"

"Lucena, sa tingin mo ba ay balewala lang sa mga taong nakakasalamuha mo ang pasang nasa leeg mo? Sa laki niyan na halos buong leeg mo ay hindi ba nila mapapansin yan? Alam mo namang malaking impluwensiya at kilala ang pamilya natin? Anong iisipin nila? Para rin naman sa ikabubuti mo ito, huwag kang mag-alala gagawa ako ng paraan para gumaling ka kaagad"

Tama siya, siguro ay kailangan ko ding magpahinga. Hindi pa talaga maayos ang pakiramdam ko. Medyo sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Nababasa ko sa mga mata at ikinikilos niya na may nais pa siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi.

"Jua—"

"Lucena... sabi ko magpahinga ka na, hindi maganda ang lagay mo ngayon. Isa pa huwag ka ng magsalita dahil hindi pa bumabalik sa normal ang iyong boses" sabi niya saka umalis.

"Lagi mong tandaan na huwag ka masyadong magtiwala sa mga taong nakakasama mo. Oo, alam ko na ang iba ay may pagkakatulad ng mga taong nakakasama mo sa totoong mundo pero hindi porket magkamukha ay pareho na lahat"

Hindi kaya may alam na talaga si Lily G. sa mga nangyayari? Hindi kaya ang tinutukoy niya ay si Don Ignaldo? Si Doña Flabina? Hindi maganda ang kutob ko sa kanilang dalawa. Noong una akala ko mabait si Don Ignaldo, na parang si tatay talaga ang nakikita at nakakasama ko. Pero nagtagal lumabas na ang tunay na kulay niya, unti-unti ko ng naramdaman na hindi maganda ang trato niya sa akin. Si Doña Flabina naman parang wala siyang pakialam kung nasasaktan na ako, hindi man lang niya ako tinatanong kung ayos lang ba ako. Tulad ngayon, hindi niya ako dinalaw dito sa kwarto ko. May pakialam ba talaga sila sa akin? kahit bilang anak lang nila sa kwentong ito?

O sadyang alam nilang dalawa na hindi ako ang tunay na anak nila? Na hindi ako ang tunay na Lucena? Sa ngayon ang mapagkakatiwalaan ko lang sa bahay na ito ay si Juan at Amita, pero kailangan ko pa din makasigurado.

Pero tama bang pagkatiwalaan ko din si Lily G? Hindi rin tama na maniwala nalang ako ng agad-agad sa kaniya dahil kahapon lang kami nagkita. Sa mundong ito, sino ba dapat ang totoong hihingian ko ng tulong at mapagkakatiwalaan ko ng lubos?

Ilang raw na din ang lumipas simula nang magalit sa akin si Don Ignaldo, bakit ba ako ang sinisisi niya? Ano namang gagawin ko sa dokumentong hinahanap niya sa akin?

Dokumentong nasa opisina? Isang beses lang naman akong pumasok doon ah?

"Lucena? Gising ka ba? Maaari ba akong pumasok sa iyong silid?"

Boses ni Laura yun ah? Paanong? "Ah sige tuloy ka" sagot ko. May dala siyang mga bulaklak at prutas. "Para ito sayo Lucena sana magustuhan mo" sabi niya sa akin sabay abaot ng bulaklak. Ang mahal siguro nito fresh pa parang bagong pitas lang.

"Salamat, dapat hindi ka na nag-abala pa"

"Ayos lang, nalaman ko ang nangyari. Sinabi sa akin ni Juan, pero wag kang mag-alala wala akong pagsasabihang iba"

Ayos din itong Juan na ito ah, kay Laura ipinaalam at hindi kay Miguel?

"Laura, yung liham pala na ipinadala ko? Nabasa mo ba?"

Kailangan ko siyang bigyan ng babala dahil alam ko na may masamang mangyayari din sa kaniya, sa kanila ni Juan dahil sila ang bida sa kwentong ito. Kailangan din niyang lumayo kay Anastacia habang maaga pa lang dahil pakiramdam ko ay baka ibrainwash siya nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kwaderno Where stories live. Discover now