Kabanata 5

72 12 1
                                    

Dito na maguumpisa ang panibagong Kabanata, Nawa'y magtagumpay ako...

(Avery's POV)

AHHHH TAMA NAA!! ANO BANG KAILANGAN NIYO SA AKIN!!

AHHHH.......

Agad akong bumangon mula sa aking panaginip, hindi ko alam kung sino sila at kung ano ang kailangan nila sa akin. Ilang araw ko na silang nakikita sa panaginip ko, marami sila na nanghihingi ng tulong mula sa akin.

Hindi ko alam pero ang nakakapagtaka ay pakiramdam ko na kilalang-kilala ko sila pero malabo ang mga mukha nila at wala man lang ni isa sa kanila ang aking nakikilala mula sa kanilang mga boses.

Siguro dulot lang ito ng pagod at puyat, ilang Gabi na rin akong hindi nakakatulog dahil sa pagrereview para sa entrance exam ng isa sa pinaka sikat na school dito sa aming Lugar.

Ang Vista Nevada University (VNU)...

Pangarap ko talagang makapasok bilang isa sa mga scholar sa VNU, hindi lang basta-basta madaling makapasok dito dahil isa ito sa Top Universities dito sa Pilipinas at isa sa pinaka mahal na University.

Halos ang mga nag-aaral doon ay puro anak ng mga kilalang tao, Business man o Politika.

Hindi ko pinangarap na makapasok dito para lang magyabang, dahil ang gusto ko ay makahanap ng magandang trabaho at para maiahon ang pamilya ko sa hirap.

Alam ko na ito lang ang solusyon ko, makapagtapos sa isang kilala at sikat na University para mabilis agad akong magkaroon ng trabaho.

Ako nga pala si Avery Montecito, tinaguriang "NERD" ng bayan. Dahil daw bookworm ako, totoo naman dahil sa buong buhay ko ay wala na akong ginawa kundi magbasa lang.

Ang pagbabasa ang pantakas ko sa lahat, kapag masaya o malungkot ako, ang libro ang kasama ko palagi. Sila yung mga bagay na nagcocomfort sa akin kapag wala akong nasasabihan.

Lalo na kapag problema, hindi ako nagkukwento Kay Nanay at Tatay dahil ayoko na dumagdag pa sa problema nila. Kaya ang ginagawa ko nalang ay ang magbasa para kahit papaano ay naitatakas ako ng saglit sa totoong buhay ko.

"Avery Anak, halika na at mag-almusal, mahalagang kumain ka ngayon dahil masama magutuman. Kukuha ka pa man din ngayon ng exam" Sabi ni Nanay.

"Hmm ang bango naman po" Sabi ko.

"Ito nagluto ako ng paborito mong tuyo, tsaka ipagbabaon kita ng Sardinas. Para pagkatapos mong magexam ay kumain ka ulit" Sabi ni Nanay.

"Gising na pala ang aking Reyna at ang aking Prinsesa" Masaya namang sabi ni Tatay.

"Anak, tawagin mo na ang iyong Kuya Efren mo at si Dante" masayang sabi ni Tatay.

"Kuya Ren! Dante! Kakain na daw ng almusal sabi ni Tatay" Sigaw ko.

Siya nga pala, tatlo lang kaming magkakapatid. Panganay si Kuya Ren (20 taong gulang) , Pangalawa ako (18 taong gulang) at ang bunso naming Kapatid na si Dante (10 taong gulang).

Habang kumain kaming lahat ay pinagmamasdan ko sila isa-isa, masaya na kaming lahat dahil kahit mahirap kami ay mayaman naman kami sa pagmamahal bilang Isang pamilya.

Pero minsan hindi ko din maiwasang malungkot at masaktan, dahil kapag minamasdan ko yung ngiti ni Nanay at Tatay iba, makikita mo sa mga mata nila yung totoo. Alam ko na nahihirapan na sila pero kinakaya nalang nila para sa aming magkakapatid.

Hindi na tumuloy si Kuya sa pag-aaral nagtrabaho nalang siya para makatulong kay Nanay at Tatay. Kaya kami nalang ni Dante ang nagaaral.

Kaya ako nagsisikap gusto ko ding maranasan nila/namin yung simple at magandang buhay. Simple lang ang pangarap naming lahat ang magkaroon ng simpleng bahay at makakain ng maayos at hindi na magtrabaho pa ang Nanay Tatay, at makahanap ng maganda at maayos na trabaho Ang Kuya Ren.

"Sige po May, Tay, Kuya, Dante. Aalis na po ako" masaya kong paalam sa kanila.

"Goodluck Ate! Alam kong kaya mo yan!" Sabi naman sa akin ni Dante.

"Goodluck Anak, magiingat ka ha? alam naming kaya mo yan" Sabi naman ni Nanay.

"Goodluck Anak, ito pamasahe mo. Huwag kang maglakad, Pasensya na yan lang kayang ibigay sayo ng Tatay, wala kasi akong masyadong byahe ngayon" Sabi ni Tatay sabay yakap sa akin.

"Tay 150 ho? E masyado naman po atang malaki ito, 50 nalang po ang kukunin ko" Sabi Ko.

"Sige na anak hayaan mo na minsan lang naman yan" Sabi ni Tatay.

"Sige Tay hindi ako aalis dito" Sabi ko.

"O siya sige na nga, ikaw talagang bata ka. Kaya Mahal na mahal ko itong Prinsesa ko ee" Biro ni Tatay sabay yakap sa akin.

"Hatid ko na Nay si Abing sa sakayan" sabi ni Kuya.

"Magiingat ka Abing, kaya mo yan! Sisiw lang yang exam na yan sayo" Biro ni Kuya.

"Oh ito advance na regalo ko na yan sayo, alam ko namang papasa ka" Sabi ni Kuya sabay abot sa akin ng Pera.

Nagulat naman ako dahil inabutan ako ni Kuya ng Tatlong-Daan. Alam niya yung reaksyon ko kaya tumawa siya.

"Nagulat ka noh? Hayaan mo na, kanina nga tinanggihan mo pa yung bigay ni Tatay, ayan wag mo nang tanggihan minsan nga lang magbigay ang Kuya sayo ayaw mo pa" biro niya.

"Nataggap kasi ako noong nakaraang araw, Janitor sa mall kaya pambawi ko na sayo yan. Tsaka wag mo munang sasabihin Kay Tatay, Isusurprise natin siya sa Birthday niya" Sabi ni Kuya.

"Basta galingan mo ha, alam naming lahat na kaya mo yan. Pero wag mo namang pilitin yung sarili mo kung hindi talaga kaya, meron pa naman susunod" Sabi niya.

Inantay ko lang umalis si Kuya at umalis na din ako, ang pagkakaalam nila ay sasakay ako pero sa totoo lang lalakarin ko talaga.

Iniipon ko kasi yung pera ko minsan kasi incase na walang wala talaga kami ay yung ipon ko yung binibigay ko Kay Nanay pambili ng makakain o pambayad sa bahay, tubig o kuryente.

Medyo malayo-layo na din ang nalakad ko, at ang sakit na din ng paa ko. Isang sakay nalang naman sayang pamasahe ko kung sasakay pa ako.

Hays salamat! Nandito na din ako, totoo nga na napakalaki at napakaganda ng University na ito.

Papasok na sana ako ng gate kaso may bumangga sa akin...

Kwaderno Where stories live. Discover now