Kabanata 8

64 10 8
                                    

Matapos kung magbihis ay agad-agad akong pumasok sa room naka-tingin lahat sila sa akin, "Why are you late?" mataray na tanong sa akin ng professor namin sa calculus.

"Sorry po" naiiyak kung sabi. Nilibot ko naman yung paningin ko at napakamalas lang dahil nandoon din si Stacy! Nakita niya ako at agad akong tinarayan, Ano ba naman itong first day ko napakamalas.

"Ok, bago kita paupuin kailangan mong sagutan ito. Since scholar ka I expect na masasagutan mo ito, Suppose you have to fence two rectangular fields with the same dimensions, with one side in common, using 180 meters of fencing. Find the dimensions of the rectangles so that the total fenced area is maximum." Sabi niya sabay bigay sa akin ng whiteboard marker.

Agad naman akong pumunta sa harap at nagdrawing ng rectangle at hinati ko ito sa gitna, "Una kailangan muna nating idrawing yung nasa given, L is the length and W the width of each rectangle and the width is the common side."

"Ang Total Area ng dalawang rectangles ay A=2L⋅WA=2L⋅W at Ang Total length ng fencing ay 4L+3W=180, ito yung equation na dapat natin isolve para makuha yung value ng W"

"W=60−4/3 L, kaya isubstitute natin yung W by 60−4/3 L sa formula ng area A"

...

"A(L) ay absolute maximum for L=22.5L at W=60−43(22.5)=30 meters
Kaya ang dimensions ng bawat rectangle ay: 22.5 by 30"

"Very well said Miss...?"

"Avery Montecito po"

"Miss Montecito, napatunayan mo nga na deserve mong mag-aral dito sa VNU, you may sit" sabi niya sa akin.

"Swerte mo lang dahil madali lang yung tanong na napunta sayo, expected naman na lahat ng students dito ay kayang sagutan yun. Huwag ka masyadong feeling matalino, porket scholar ka lang? How pathetic! at kahit kalian ay hindi mo kayang abutin yung level namin. Walang lugar dito para sa inyo" bulong niya sa akin.

"Maybe you can share your topic there Stacy, parang hindi naman nakikinig at wala naman interes si Ms. Montecito sa sinasabi mo." Sabi ni Professor namin.

Hindi ko mapigilang matawa, dahil halatang napahiya si Stacy sa sarili niyang kagagawan.

Matapos ang third class namin ay dumeretso ako sa library para maghanap ng libro tungkol sa topic namin sa Physics, kailangan kong pag-aralan ito ng mabuti dahil medyo nahihirapan akong intindihin yung ibang lessons.

Matapos naman ang halos isang oras ay nakuha ko na lahat ng libro na ichecheck-out ko, naalala ko yung Library card ko pala. Habang naglalakad ay hinanap ko ito sa aking bulsa, wala sa kanan baka nasa kaliwa,.. aray!

Dahil sa pagkakabangga sa akin ay nabitawan ko lahat ng libro na bitbit ko, agad naman akong tinulungan ng nakabangga sa akin pero walang kahit isang salita na lumabas galling sa kaniya, kahit man lang sorry wala. Pagkaabot niya sa akin ng mga libro ay agad na itong umalis.

Pamilyar yung amoy ng pabango niya, at hulli ko na narealize siya ata yung lalaki na nagpaabot ng damit sa akin kanina! Hayss hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya.

8 PM na din ako nakauwi ng bahay, pagkatapos kong maghapunan ay agad akong pumunta sa kwarto para basahin na yung mga librong dinala ko,

Habang isa-isa ko itong inayos ay may isang libro doon na hindi matandaan na dinala ko,

Luma na ito at gawa sa leather ang cover nito. Nakakapagtaka lang, hindi kaya...? hindi kaya sa lalaki kaninang nabangga ko ang libro na ito?

Binuksan ko naman yung first page at nakasulat dito ay...

1825

Kwaderno Where stories live. Discover now