Kabanata 20

21 3 0
                                    

"Hoy! Mic—Miguel! Pasaway ka talaga. Halika nga dito!" sigaw ng isang babae mula sa aking likuran.

Naramdaman ko naman ang pagtayo niya at pagtigil sa paglalakad dahilan naman para mapalingon ako sa kaniya. "Oh? Anong balak niyong gawin ha?" matapang at mataray niyang sabi sa mga magnanakaw. Tantiya ko mga nasa twenty-five to thirty years old yung edad niya.

"Baka hindi ninyo ako nakikilala, Hindi ninyo ako nakikilala!? Aba—" sa sobrang gigil niya ay tinanggal niya ang sapatos at tangkang ibabato ito sa mga magnanakaw, pero huli na para gawin 'yon dahil tumakbo na sila at iniwan ang ninakaw nila.

Ang kaninang matapang at masungit na mukha ng babae ay napalitan ng masaya at napakalakas na tawa, Lumingon naman sa amin si Miguel. Sinenyasan ito ng babae, tumango naman si Miguel saka kinuha ang bag kung saan nakalagay lahat ng pinamili nung ale na iniwan ng mga magnanakaw, at pumunta pabalik sa pamilihan para isauli ito.

"Kita mo ba yung takot nila sa akin kanina? Haha!" pagyayabang niya.

"Ano ayos ba? Pwede na ba ako maging best actress?" dagdag niya.

"Sino ka? Katulad din ba kita?"

"Ako si Lily G, parang Sarah G lang. Ano ka ba! siyempre magkatulad tayong tao anong tingin mo sa akin alien?"

"Hindi, ang ibig kong sabihin ay tulad ba kita na napunta sa mundong ito? At tsaka sa pananalita mo pa lang ay hindi na tugma sa taon na ito"

"Well, ano ba sa tingin mo. Matalino ka diba? Isipin mo"

"Eh, paano ka naman napunta dito? Alam mo ba kung paano makabalik? Ano ba ang dapat nating gawin? Sino ba pwede nating hingian ng tulong? O baka may kilala ka pang ibang tulad natin na pwede nating lapitan?"

"Teka isa-isa lang ok? Hindi ko din alam, at tsaka bakit ba ang dami mong tanong sa akin? Job interview ba itong napuntahan ko?"

"Ok. sumama ka muna sa amin, doon tayo sa bahay ko. Mahirap magpaliwanang dito, maraming nagmamasid sa atin, ok? Antayin lang nating makabalik si Mi—Miguel"

Matapos ang ilang minutong pag-aantay ay dumating na si Miguel, "Hay nako, kawawang bata naman. Pawis na pawis ka naman Miguel! Eto ang panyo" sabi niya at iniabot sa akin ang panyo.

"Ahh hehe hindi po ako si Miguel"

Bakit sa akin inabot? Mukha ba akong si Miguel? Nababaliw na ba itong si Lily G na ito?

"Siyempre hindi naman talaga, kasi ikaw si A—Laura hehe, pakiabot nalang kay Miguel yung panyo" Bigla naman akong napatulala sa sinabi niya, kilala niya ako o guni-guni ko lang yon at ako na ang nababalliw ngayon?

"Or kung gusto mo ikaw nalang magpunas" bulong naman niya sa akin.

"Ayoko! ikaw nalang kaya, panyo mo naman yan eh"

"Hala ka, bakit? Nahihiya ka sa kaniya? Ayos lang yan, siya rin naman sayo eh. Tignan mo" sabi niya sabay turo kay Miguel.

Wala na akong ibang nagawa pa kaya mabilis kong iniabot ang panyo kay Miguel na ngayon ay pinipigilan ang kaniyang ngiti.

"Ayos ka lang ba binibini?"

Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?

Hindi ko namalayang nakatalikod na pala ako sa kanila, at... NAKANGITI!? Teka lang nababaliw na nga ba talaga ako?

Bigla naman ako hinila ni Lily G, tara na. Nauna kaming naglakad at nasa likuran namin si Miguel. "Ano ka ba naman! Masyado kang halata. Kailan pa?" bulong niya.

"Kailan pa ang alin?"

"Ang nararamdaman mo sa kaniya"

"Ha? Anong sinasabi mo diyan? Hindi noh!"

Kwaderno Where stories live. Discover now