IAMROMME
"Sa mundong sinira ng dilim, ang pagsuko ay isang luho na hindi lahat kayang piliin."
Pagod na si Heide-pagod mabuhay sa isang lugar kung saan ang kabaitan ay parusa at ang tiwala ay sentensiya ng kamatayan. Dati, naniniwala siya na sapat ang puso para mabuhay. Ngayon, alam na niya ang totoo: kailangan mong maging malamig, matatag, at handang mawalan ng pakiramdam. Dahil sa mundong ito, ang mabait ang unang namamatay.
Sa paligid niya, nagbabago ang lahat. Ang mga kaibigan ay nagiging kaaway. Ang mga kaaway, minsan, ay nagiging tanging dahilan para manatiling buhay. Walang permanente. Walang ligtas. At bawat sandali ng pag-aalinlangan ay maaaring huli na.
Pero sa gitna ng kaguluhan, may isang bagay na hindi niya inaasahan-isang taong nanatili.
Si Ban.
Isang lalaking piniling mabuhay hindi para sa sarili, kundi para bantayan ang isang taong matagal nang gustong bumitaw. Sa gitna ng ulan, dugo, at bangkay, tahimik niyang hinuhugasan ang bigat ng bawat laban. Hindi siya bayani. Hindi rin siya ligtas. Pero siya ang pagbabago na hindi kayang tanggihan ni Heide.
"I should trust no one," paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.
But some exceptions are worth the risk.
Hindi ito fairy tale. Walang pangako ng masayang wakas. Ito ay kuwento ng isang mundong walang awa-at ng isang damdaming patuloy na lumalaban kahit paulit-ulit nang sinasaktan.
Ito ay kuwento ng kaligtasan, pagbabago, at ang uri ng tiwalang kayang sugalan ang lahat-kahit ang sariling buhay.