Kabanata 9

65 10 7
                                    

Parang gusto kong basahin ito, isasantabi ko muna yung pagbabasa ng Physics ko na lesson. Kailangan ko rin magrelax-relax minsan, ang sakit din sa ulo kapag puro aral nalang.

Kinabukasan, pumasok ako ng maaga para hindi na maulit yung nangyari noong nakaraan. Kung noong nakaraan ay super late ako ngayon nasobrahan naman ata ng aga, halos mabibilang mo sa daliri yung mga estudyanteng nandito na.

Total wala pa naman ginagawa ay tinuloy ko nalang basahin yung libro na 1825 yung title, balak ko nang tapusin itong basahin para kapag Nakita ko ulit yung lalaki na may ari nitong libro ay maibalik ko.

Nakalock pa yung room namin kaya naisip ko muna na tumambay sa Cafeteria, napansin ko naman na halos yung mga estudyante dun sa Cafeteria ay nakatingin sa akin. May problema ba sila sa akin? At yung iba ay nagbubulungan pa, hindi ko alam pero yung mukha nila parang kabado, takot.

Kinuha ko naman yung salamin ko sa bag, wala namang dumi o kung anong kakaiba sa mukha ko

Pero nakakapagtaka bakit yung iba sumisenyas sa akin, ano bang meron--

"Ehem.. tignan mo nga naman kung sino ang nakaupo sa pwesto natin girls. Balak mo bang maghari-harian dito sa VNU? Ang lakas naman ng loob mo na umupo dito, wala bang nagsabi sayo? Ay oo nga pala, walang gustong kumausap sa tulad mong kalat lang dito" sabi habang nasa mataas na tono.

Sa lakas ng boses niya ay lahat ng nasa Cafeteria ay napatingin sa amin, ang hilig talaga magpapansin ng babae na ito.

Umagang-umaga si Stacy agad ang pambungad, Alam kung isa siya sa mga estudyanteng kinakatakutan dito pero hindi dapat ako magpakita ng takot dahil alam kung masaya siya kapag may naaagrabiyado siya dito.

Agad naman akong tumayo "Pasensiya na hindi ko kasi alam na pwede palang angkinin ang mga upuan at lamesa dito sa Cafeteria. Sa susunod lagyan mo ng pangalan para hindi maligaw" sabi ko sa kaniya at agad akong umalis.

Habang papalabas ako ng Cafeteria ay narinig ko yung sinasabi ng ibang students

"Nice one"

"Tama lang yung ginawa mo"

Akala nila ganoon ako katapang pero sa loob-looban ko ay para na akong hihimatayin sa takot at kaba.

Dahil sa nangyari doon sa Cafeteria ay agad na akong pumasok sa room, buti nalang at bukas na. Salamat nalang at ako palang ang tao, itutuloy ko na yung pagbabasa ko, mas maganda habang hindi pa maingay.

Teka iba itong kutob ko sa character nitong si Nanay Ading. Hindi ko alam pero bakit iba yung pakiramdam ko ang lamig.. Sabi nila kapag malamig daw ay may dumadaang multo-"Ahh" sigaw ko sa gulat.

"Nako maaga pa para matakot ka"

"Sorry po professor.." teka nalimutan ko kung anong surname ng prof. ko na ito sa Calculus.

"Professor Cabalquinto" sabi niya habang nakangiti.

"Ahh hehe sorry po Professor Cabalquinto kung nagulat ko din po kayo" sabi ko.

Teka paanong? Baka Coincidence lang, lalabas nga muna ako hindi ako comfortable dito.

Agad naman akong lumabas sa room para magpahangin, grabe ang hirap din palang pumasok sa school ng sobrang aga, one hour pa bago magstart ang first class. Maglibot kaya ako sa buong building? Para hindi na ako maligaw sa susunod.

Halos lahat ng nadadaanan ko na mga room sa hallway ay patay pa ang ilaw, maliban sa isang room sa dulo. Kaya pinuntahan ko, sumilip ako sa bintana at isang Lab pala ang room na ito.

May nakita din akong lalaki doon na nakaupo, habang nagmimicroscope, at naka-jacket ito ng dark blue, Siya ata yung lalaki na may ari ng libro.

Agad naman akong pumasok sa loob "Nagpaalam ka ba na pumasok dito? At tsaka hindi ka pa nakasuot ng proper lab attire" sabi ko. Hindi siya lumingon at tuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

Tumabi naman ako sa kaniya, agad naman siya tumayo at dinala yung microscope na gamit niya sa lagayan. " Salamat pala sa pagpapahiram ng damit, sa susunod ko nalang isasauli sayo lalabhan ko muna" sabi ko. "At tsaka nga pala yung libro mo" dagdag ko. Pagkarinig niya ng tungkol sa libro ay napahinto siya at humarap sa akin, pero hindi ko nakita yung mukha niya dahil natatakpan ito ng hood ng jacket niya.

Nagulat nalang ako ng dali-dali siyang umalis, ang sungit naman niya.

Bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako?

Hindi ko Alam kung ako ba o siya ang may problema, naguguluhan ako sa kaniya..

Sino ka ba talaga?

Kwaderno Where stories live. Discover now