Kabanata 14

61 8 5
                                    

"Kuya Ren! Dante!" Masaya kong sigaw, agad naman akong bumangon para yakapin silang dalawa. Hindi ako makapaniwala na nakita ko ulit sila.

Habang yakap ko silang dalawa ay may pumasok pa sa pinto na hindi ko inaasahan... si Tatay.

Agad din akong tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siyang mahigpit. "Masaya po akong makita ulit kayong lahat, hindi ako makapaniwala na nandito na ulit kayo sa harap ko, nayayakap at nakakausap" sabi ko kay Tatay.

Mukha namang nagulat siya sa sinabi ko, "Dahan-dahan lang anak, hindi ka pa gaanong magaling"

"Ano ba iyang sinasabi mo, kahit kailan ay hindi naman kami nawala. Lagi kaming nasa iyong tabi, nayayakap at nakakausap mo".

"Magpahinga ka muna para magkaroon ka ng lakas, dahil sa mga susunod na araw ay mahalaga tayong kaganapan"

Bumalik ulit ako sa pagkakahiga, napabuntong-hininga naman ako.

Bago ako mapunta dito, ang huling natatandaan ko ay... bigla naman akong napabangon ulit dahil sa mga pangyayaring tumatakbo sa isip ko.

Nasagasaan ako... ibig bang sabihin niyo ay p-patay na ako!? Kinurot ko naman yung sarili ko pero nakaramdam ako ng sakit.

Teka bakit ang dami at ang bilis naman ng mga pangyayari.
Hindi pa ako patay, dahil kung patay ako ay hindi na ako nakaramdam ng sakit at s-si dante ay nandito. Hindi pa siya patay, pero anong ibig sabihin ng lahat ng ito?

Hindi ko namalayan na lumipas na pala ang ilang oras at nakatulog ako sa kakaisip ko kung paano ba ako napadpad dito sa lugar na ito.

Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto kung nasaan ako "Ate gising ka na ba? Maaari ba akong pumasok? Inihanda kita ng pagkain" wika ng isang malambing na batang lalaki.

"Ano ka ba Dante, hindi mo na kailangan pang kumatok at magpaalam. Ayos lang kay Ate basta ikaw" sagot ko sa kaniya.

Bumukas naman ang pinto at pumasok siya sa loob, may bitbit siyang parang tray na may mga pagkain na nakalagay.

"Kumain ka na po muna Ate, alam ko na hindi pa din maayos hanggang ngayon ang iyong kalagayan. Kaya kailagan mong magpalakas" Sabi niya habang inilalagay yung tray ng pagkain sa tabi ko.

"Alam ko na masyado na akong maraming nasasabi at tila naiirita ka na din sa akin, siguro ay babalik na muna ako sa aking silid at hahayaan muna kitang mapag-isa tulad ng iyong gusto parati" malungkot niyang sabi sa akin.

Anong nakain nito ni Dante, hindi ko alam kung nagiinarte ba siya o ano

Bago siya makaalis ng aking silid ay tinawag ko siya. "At paano mo naman nasabi na naiirita ako sayo? Halika nga dito" sabi ko sa kaniya habang nagseseniyas na umupo siya sa tabi ko.

Yung bahid ng lungkot sa kaniyang mukha ay napalitan ng saya, agad naman siyang pumunta at umupo sa tabi ko.

"Anong pumapasok sa isip mo at sa tingin mo ay naiirita ang ate sayo? Kahit pasaway ka kaya hindi ako naiinis. Alam mo, naiintindihan ko yan. Dahil parte ng pagiging bata ang maging makulit o pasaway" paliwanag ko sa kaniya at sabay kurot sa mataba niyang pisngi.

"Aray ko naman ate, paraan saan naman po iyon? Akala ko ba hindi ka naiinis sa akin, pero bakit mo naman ako kinurot?"
Hindi na ako nagsalita at tumawa na lamang.

"Kumain ka na ba? Tara sabay na tayo, hatiin nating dalawa ito. Siyempre dahil ikaw ang naghanda nito dapat matikman mo din yung gawa mo" sabik ko na sabi sa kaniya.

"Ate nagtataka lamang ako, dahil simula nung nagising ka ay parang may kakaiba na sayo. Tinatawag mo din ako na Dante ngunit hindi naman yun ang aking ngalan. Ako si Emilio, hindi si Dante" sabi niya sa akin na may halong pagkadismaya mula sa kaniyang mukha.

Kwaderno Where stories live. Discover now