Kabanata 11

56 8 0
                                    

"S-sige, mauna na ako" kabado kong sabi.
Agad naman akong tumakbo dahil sa mga sandaling iyon ay bigla naging akward yung pakiramdam ko.

Sobrang kinakabahan ako at pakiramdam ko lalabas na yung puso ko.

                                    ***
"Nay! Nandito na po ako" masaya kong sabi.
Teka bakit ang dilim? Alam ko nakapagbayad na sila Nanay ng kuryente ng isang araw.

"Oh anak nandiyan ka na pala, pasensya ka na. At wala tayong kuryente ngayon" malungkot na paliwanag ni Nanay sa akin.

"Pero nagbayad na po kayo noong nakaraan ng kuryente diba? Paano pong naputulan tayo?"

"Oo anak nagbayad tayo sa kuryente pero sa bahay hindi, kayo pinutulan ni Aling Carol ng kuryente. Pinaliwanag ko sa kaniya na magbabayad naman tayo pero, hindi na talaga siya naawa" Sabi ng Nanay sa akin.

"Dapat sinabi niyo po sa akin, nang maibigay ko po sa Inyo yung ipon ko pambayad"

"Ayoko naman ng ganoon, inipon mo yan anak at para sa iyo lang yan. Responsibilidad namin ito ng Tatay mo kaya hayaan mo na, huwag ka magalala at bukas magkakakuryente din tayo" Sabi ni Nanay sa akin habang niyayakap ako.

                                     ***

"Ok class tomorrow kailangan niyo na itong ipresent, so you need a lot of research about sa topic na ito" paliwanag ng professor ko.

Matapos ang ilang oras, natapos na din ang Klase ko. "Nako, paano ko kaya ipapaliwanag kay Nanay ito. Baka gabihin na ako ng uwi"

Agad naman akong pumasok sa library at kinuha yung mga librong gagamitin ko.

Habang tumatagal nang tumatagal ay paunti ng paunti ang mga estudyante na nasa library. At hanggang sa ako nalang ang natira.

Malapit nang magsara ito kaya kailangan ko nang tapusin itong research ko.

Ilang sandali lang ay bigla akong nakaramdam ng lamig at Kaba, ngayon lang nangyari sa akin ito parang may mali.

Mabuti naman at nakasakay na ako ng jeep, sobrang haba ng pila lalo kapag gabi na. Natuwa naman ako dahil biglang napatugtog sa jeep itong isa sa mga paborito kong kanta ng Cueshé na 'Ulan'.

Bigla naman akong naalimpungatan sa kalagitnaan ng biyahe, dahil sa pagpreno ng jeep.

"Pasensya na po, Pero mukhang hanggang dito nalang yung byahe. Matagal pa bago matapos itong traffic na ito" Sabi ng driver.

Nag-umpisa na magreklamo ang ibang pasahero ang iba naman ay nagsibabaan na.

"Ahh, ano pong meron bakit sobrang traffic naman po?" Tanong ko sa katabing pasahero ko kanina sa jeep.

"May sunog daw Neng, yung sa baryong katabi ng simbahan" Sabi niya sabay turo kung saang baryo iyon.

Biglang naman akong kinabahan lalo kaya binilisan ko na ang lakad ko.

Pagpasok ko sa eskinita namin ay lalong bimilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.. at pagdating ko sa bahay namin... Wala na.

Halos buong baryo namin ay masunog, hindi ko na maramdaman ang sarili ko.

"Hoy! Ikaw! Kasalasan niyo ito! Kasalasan niyo kung bakit nangyari lahat ng ito! Mga malas!" Sigaw sa akin ni Aling Carol.

"N-Nasaan po sila Nanay at Tatay?" Naluluha kong sabi.

Walang sumagot sa tanong ko.

Wala na sila, iniwan nila ako. Paano na ako makapaguumpisa?

Hindi ko kaya nang wala sila

Nanlalambot na yung katawan ko at ramdam ko na unti-unti nang bumagsak yung katawan ko.

Kwaderno Where stories live. Discover now