Kabanata 15

57 7 0
                                    

"Teka lang, bago ko sagutin yung tanong mo. Pwede ba pakibaba yang hawak mong ilaw" irita ko na sabi.

"P-pasensiya na" sabi niya sabay ibinaba ang hawak niyang ilaw.

"Asan ba yung switch ng ilaw sa kwarto na ito?" Sabi ko habang kinakapa yung pader sa gilid. Haaaa wala? Anong klaseng kwarto ito? Walang ilaw...

Huminga naman ako ng malalim dahil malapit na akong maistress, kailangan ko lang magpigil at irelax ang sarili ko. "Sino ka at bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. "Ako ang unang nagtanong sayo binibini kaya marapat na sagutin mo muna ang tanong ko bago ko sagutin ang tanong mo sa akin" sagot naman niya sa akin.

Biglang nabalot ng katahimikan ang silid sa mga minutong iyon

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil siguradong hindi Avery ang pangalan ko tulad nalang ng kanila Tatay, Nanay, Kuya at Dante na nagbago din. Bigla ko namang naalala yung nabanggit ng lalaki na kausap ni Don Ignaldo, "Hhm, ito na ba si Lucena?"

Tama! Siguro nga si Lucena ang pangalan ng karakter ko dito?

"Ahh ako si Luce-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang nahulog ang ilaw na kaninang hawak ng lalaki iyon. Bigla nalang siyang tumalon sa bintana at nakatakas. Magnanakaw ata yun?

Agad naman akong tumakbo papunta sa direksyon ng bintana, wala na siya doon. Nakahinga naman ako ng malalim dahil wala siyang ginawang masama sa akin. Ayos din siya, siya lang ata yung magnanakaw na hindi pa fully skilled, kailangan pa ng ilang minuto para makatakas. Pasalamat siya sa akin dahil kung hindi pa ako nag-isip kung ano ba ang isasagot ko ay hindi siya makakatakas. Sinarado ko na yung bintana dahil baka makabalik pa iyon at gawin akong target dahil nakita ko siyang nagnanakaw dito sa bahay.
Pero wala siyang takas alam ko na taga dito lang iyon, hindi ko man nakita yung mukha niya pero alam ko ang boses niya...

"Señoritaa" gulat naman akong napalingon sa direksyon kung saan nanggagaling itong boses ng isang babae. "Sino yan? Hindi na ako nakikipagbiruan ha" mangiyak-ngiyak kong sabi.

Sinasabi ko nga ba meron talagang multo dito, dapat na kaming umalis dito

Mayamaya pa ay narinig ko na may tunog ng yapak na papalapit ng papalapit sa akin. Hindi ko rin makita kung sino ito, wala na ding pakinabang ang ilaw na ginamit kanina nung magnanakaw dahil nga bumagsak ito.

Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa galang-galangan ko, "Huwag ka pong matakot señorita, ako po ito si Amita" bulong niya sa akin.

Agad naman niya akong hinila papalabas ng kwarto na iyon, at bumalik ulit sa kwarto. "Buti na lamang at wala po ang inyong Ama, tiyak na ikagagalit niyang may pumasok sa kaniyang opisina" panimula niya sa akin. "Matagal na pong ibinilin ito sa ating lahat señorita. Tagasilbi, anak, o asawa man ay hindi maaaring makapasok doon" dagdag niya.

Hindi naman nagagalit ang tatay kahit na ang gulo naming tatlo minsan nila kuya sa bahay ay kahit kailan hindi man lang siya nagalit ko nanuway, minsan ay nakikisali pa siya sa amin.

"Hindi naman siguro siya magagalit dahil anak naman niya ako diba?" Tanong ko sa kaniya. "Bakit niyo naman po itinanong iyan señorita? Nakalimutan niyo na po ba ang ginawa sa inyo ng Don Ignaldo?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad naman niyang tinakpan ang kaniyang bibig "Pasensiya na po señorita, tila nasobrahan po ata ako sa aking mga nasabi" dugtong naman niya.

"Wala bang nagtataka kung bakit? Kahit pamilya niya ay bawal?" Tanong ko sa kaniya. "Wala pong may nais at wala din pong gustong naisin, isang kalapastanganan at pagbibigay walang galang po ang magtanong sa haligi ng tahanang ito señorita" sagot niya.

Teka lang ha? Rule ba yun dito sa bahay na ito? Kung oo anong klaseng rule yun? Anong klaseng tao ba itong si Don Ignaldo na ito? Bakit siya maglilihim sa pamilya niya? Anong klaseng tahanan ba ito?

Kwaderno Where stories live. Discover now