Kabanata 6

60 12 3
                                    

Sa sobrang lakas ng pagbangga sa akin ay napaupo ako sa sahig.

Nilingon ko naman yung nakabangga sa akin, Isang estudyante din ata siya rito. Mapapansin mo palang sa kaniyang pananamit ay mayaman siya.

"Sorry Miss" Sabi niya sabay tinulungan niya akong tumayo.

Pinagpagan ko naman yung damit ko, magsasalita pa sana ako kaso paglingon ko wala na pala siya.

Hindi ko rin nakita yung mukha niya, ako kasi yung tipo ng tao na para bang palagi nalang nakatingin sa sahig. Hindi ako sanay na nakatingala palagi, kaya alam ko lang ay yung boses niya.

Pagpasok ko naman sa loob, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Maganda na sa labas mas maganda pa sa loob.

At nakaaircon pa!

Habang nakapila sa mageexam ay isa-isa ko namang pinagmamasdan yung mga estudyante na nandoon.

May dalawang section doon ngayon sa loob ang isa ay para sa mga mag-eenroll at ang isa naman ay para sa mga kukuha ng exam for scholarship.

Isang tingin palang ay malalaman mo na agad kung ano ang status sa buhay ng mga estudyante doon.

Karamihan sa mga nakikita ko na estudyante sa enrollment section ay halos kutis porcelana at ang mga pananamit nila ay yung halos trending ngayon, yung mga gadgets nila ay yung mga bagong labas na brands at nagbabanguhan malalaman mo na imported ang mga pabango na ginagamit nila. Sa mga Babae naman ay puno ng kolorete at halos kuminang na sila sa dami ng alahas na suot nila. Ang mga lalaki naman ay yung mga tipong gwapings na yung iba ay sumobra naman ata.

Samantala dito naman sa mga section na magtatake ng exam for scholarship, hindi ko naman masabi na porket scholars lang ay hindi na nakikiuso sa mga trends dahil halos yung mga kasamahan ko din ay magaganda din ang pananamit, pareho din bagong labas na brands ng gadget at yung iba ay mas maganda pa manamit sa mga nag-eenroll.

Parang natatawa nalang ako sa sarili ko, ako lang ata ang kakaiba dito. Isang babaeng naka t-shirt ng red, naka-maong na pantalon at naka-flat shoes na kulay itim, may maliit din na sling bag na kulay itim din. May Cellphone nga may taning naman na HAHAHAHA, walang accessories at... Wala ding suklay.

Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko dahil pakiramdam ko ang haggard ko na na mukha na akong mangkukulam sa gulo ng buhok ko.

Pero ayos lang hindi naman fashion o beauty contest ang pinunta ko dito.

Grabe medyo marami-rami din ang mag-eexam siguro nasa pang One hundred fifty ako. Hindi kasi ito basta lang dahil aantayin mo na tawagin yung pangalan o apelyido mo at sasabihin kung anong room ka magtatake ng exam.

Matapos ang halos Isang oras,.. Montecito, Avery Room 2A second floor.



Kakatapos ko lang kumuha ng exam at kailangan lang naming mag-antay ng results ng mga natanggap, pwedeng through email o itetext sa binigay namin na number.

Hays, mahina pa naman ang signal sa bahay. Nagloloko pa at luma yung cellphone ko HAHAHAHA.

"Nay, nandito na po ako!" Sigaw ko

"Nakakagulat ka naman anak, ano kamusta naman yung test?" Tanong sa akin ni Nanay.

"Ok lang po, hindi madali hindi din po mahirap" paliwanag ko.


Makalipas ang tatlong araw..

"Anak!!" Ilang beses na sigaw ni Nanay.

Akala ko naman kung ano na ang nangyayari kaya bigla naman akong napabangon at dali-daling pumunta kung nasaan nanggagaling yung boses ni Nanay.

"Ano pong nangyayari?" Taranta at hingal na hingal ko tanong.

"May text galing sa selpon, tignan mo nga hindi pamilyar yung number baka sa school mo iyan" paliwanag ni Nanay.


Dear Ms. Montecito,

On behalf of Vista Nevada University, I am pleased to congratulate you on your acceptance into our University. We were very impressed by your academic history and believe that you will prove that our confidence in you is not unfounded. As you know, Vista Nevada University is the oldest University in the area and we are known for accepting only the best students. After careful review of your application, we are delighted to say that we believe you meet our criteria for acceptance.

If you have any questions regarding this letter, please feel free to contact us at the admissions office by phone at (645)-298-5205 or email at [VistaNevadaUniversityph@gmail.com] We look forward to hearing back from you.

We at Vista Nevada University are pleased to welcome you and feel that you will make a great addition to our student body. We wish you the very best in success in your future and hope that you will find all of your needs satisfactorily met here. Thank you for your prompt attention and for choosing Vista Nevada University.

Yours sincerely,

Gilberto I. Sanchez
Vista Nevada University

Pagkatapos ko naman itong mabasa ay halos gumulong ako sa sahig ng bahay namin sa sobrang saya, ilang araw din akong hindi makatulog dahil iniisip ko kung papasa ba ako o hindi. Pero salamat sa Diyos at nakapasa ako.

Natuwa rin sila Nanay at halos gumulong din sa sahig kagaya ko dahil sa tuwa, maluhaluha din akong niyakap nila Nanay, Kuya at Dante. "Sobrang Proud kami sayo Avery, nako matutuwa ang Tatay mo kapag nalaman niya ang Good News mo na ito" Sabi ni Nanay.

Makalipas ang ilang oras dumating na din si Tatay "Nako alam mo ba yang anak mo may masamang balita, kanina pa ako nagtitimpi sa kaniya. Pagsabihan mo nga yan" Sabi ni Nanay.

Ang galing talaga nito ni Nanay, pwede siyang magbest actress. Tuwing may Good News kasi kami, mahilig kami magprank sa mga nahuhuli sa balita HAHAHA.

Hindi ko na sinabihan si Nanay at alam na niya agad ang nasa isip ko, Isang magandang prank nanaman ito.

Tinawag naman ako ni Tatay at pinaupo, at lahat kami ngayon ay naguusap sa lamesa.

"Anong problema?" Mahinahon na tanong ni Tatay.

"Yan kasing anak mo, hindi pala umattend sa exam niya, at nakipagkita lang sa mga kaibigan niya" Pagaarte ni Nanay.

Grabe, si Nanay lang nagisip ng line niya at ng kwento na yun.

Hindi naman nagsalita si Tatay at nagkatinginan naman kaming apat at parang nakonsensiya naman kami agad kaya sinabi ko na.

"Tay, natanggap po ako sa VNU!!" Sigaw ko.

At nagtawanan naman sila Nanay, Kuya at Dante.

Pero parang nagloloading pa rin si Tatay.

Kinalabit naman siya ni Nanay, "Narinig mo ba sinabi ng anak mo?" Tanong ni Nanay.

"Grabe medyo napatulala lang ako ng saglit anak, ang galing mo talaga. Sabi ko na nga ba at makakapasok ka sa University na yon" masayang sabi ni Tatay.

"At dahil nakapasa ang Ate Avery mo, Dante halika dito. O bumili ka ng Pancit Canton doon sa kanto" masayang sabi ni Tatay.

Masaya naman ako dahil matagal na kaming hindi nakakain ng Pancit Canton.

Exited na din ako mag-aral sa VNU!!

Kwaderno Kde žijí příběhy. Začni objevovat