Kabanata 3

100 17 1
                                    

Alam ko wala talagang nakalagay na ganito dati sa diary na ito, itinry ko naman ilipat ang page.

At hindi lang pala iyon, MERON PA!!

Buena suerte, esta vez no te dejaré ganar...

Haa? Anong buena suerte, esta vez no te dejaré ganar?? Wait gagamit ako ng translator...

Teka nga ang hina naman ng signal dito sa kwarto, lilipat nga ako sa sala.

Grabe nangangawit na kamay ko kakataas para lang makahanap ng signal, hanggang ngayon ba naman ay ang hina pa rin ng signal!

Nasasayang na ang oras ko dito jusme, balik na ako sa kwarto sa susunod na araw ko nalang ito isesearch.

1:02 AM, Monday

Hays, hindi ako makatulog ano bang Ibig sabihin nung buena-- ano ba yun? Nalimutan ko na, basta yun... Iba ang kutob ko sa salitang iyon.

Dapat kasi umattend ako ng Spanish class nung grade 9 ako ee, Sana naiintindihan ko ito.

Bzzz.. Bzzz.. Bzzz...

Iminulat ko naman ang mata ko para hanapin kung nasaan yung cellphone ko dahil ito nanaman tayo sa alarm ang pinaka-nakakairitang tunog tuwing Umaga.

HAAAA!! Ilang beses na ba itong nagalarm bakit ngayon ko lang narinig!? Alas-otso naa!!

Sunod-sunod na alas-otso ang gising kooo, ano Lucky number?? Nako baka mapagalitan nanaman ako ng supervisor ko huhu.

Binilisan ko na ang kilos ko dahil ganitong oras ay traffic na at mahirap na maghanap ng sasakyan dahil maraming byahe ngayon lalo na at Lunes pa.

Hayy salamat naman at nakasakay na ako ng bus! Himala at ang nasaktan ko na bus ay maluwag, syempre doon ako uupo sa paborito ko na spot sa tabi ng bintana!

Naaalala niyo noh? Oo inilagay ko ito sa kwento na gustong spot din ni Vera ay sa tabi ng bintana ng bus, sino ba ang ayaw? Nakakaenjoy kaya habang nagaantay na makarating ka sa pupuntahan mo ay pinagmamasdan mo yung mga lugar na nadadaanan mo.

Bumabangon, umiidlip
Hinahanap ang sarili
Bakit hindi ko mahinto
Ang pagsara ng 'yong pinto?
Pakiusap, sandali lang

Pakibalik naman, konting minutong nakaraan
'Di magawang pakawalan, talaarawan
Pakibalik naman, dating sariling maparaan
Ang mabigat, lalagpasan, talaarawan

Tama na siguro itong gagawin ko na desisyon, itutuloy ko na.

Magsusulat na ulit ako, tatapusin ko na ito..

Nangako ako at tutuparin ko ito.

Ang Girly na inyong nakilala ay muling magbabalik sa istorya kaniyang hindi malilimutan..

Pero ngayon ay hindi ko alam kung maaalala pa nila ako, dahil sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung anong ang kakaharapin ko.

Hindi ko alam, hindi ko na alam kung ano pa ang nagaabang sa akin doon. Dahil isa lang ang nasisigirado ko, nagbago na ang lahat simula nagawa ko itong kwento ko at noong makatakas ako dito. Nakatakas mula sa isang hindi makakalimutan na panaginip.

Oo natatakot ako pero, hindi ko pwedeng basta nalang itong takasan dahil alam kung Gabi-gabi akong papaalalahan ng aking isipan ng aking konsensiya.

Kailangan kong maging matapang at harapin ang lahat, lahat ng bagay na aking kinatatakutan dahil hindi ito matatapos kung tatakbuhan ko lang ito.

Naniniwala ako sa kakayahan ko at sisiguraduhin ko na matatapos ko ito ng makatarungan.

Bumubukas, bagong libro
Paalam na sa 'yong yugto

Pakibalik naman, konting minutong nakaraan
Nais ko nang pakawalan, talaarawan
Pakibalik naman, dating sariling maparaan
Ang mabigat, lalagpasan, talaarawan
Talaarawan

Kwaderno Where stories live. Discover now