Kabanata 4

69 14 1
                                    


Salamat naman at nakauwi na! Matapos ang super traffic at haba ng pila sa terminal!

"Ma! Andito na po ako!" Sabik Kong sabi sabay lapag ng gamit sa sala.
"Nako anak! Salamat naman at nakauwi kana kanina mo pa ako pinagaalala" paliwanag ni mama.
"Nakauwi na po si Papa?" Tanong ko.
"Oo dumaan siya dito ng saglit at isinama ang Kuya mo, may pupuntahan daw sila at hindi ko alam kung anong oras pa sila makakauwi" sagot ni mama habang inilalapag ang plato sa lamesa.

Pagkatapos ko namang kumain ay dumeretso na ako sa kwarto, pagpasok ay agad akong humiga.

Hays nakakapagod, Tama nga ang sabi ng iba habang bata ka pa ay ienjoy mo na ang buhay mo dahil kapag tumanda na ay hindi mo na masyado maeenjoy ang buhay dahil marami na ring problema ang pumapasok sa buhay.

Pero sa lahat naman ng problema ay hindi dapat mawalan ng pag-asa, dahil alam ko na may dahilan kung bakit binigay sa atin itong ng mga problema na ito. Alam kong kaya natin ito, ito ang magpapatibay sa atin lalo. Dito susubukin yung tapang natin, kung hanggang saan tayo.

Kaya ngayon... haharapin ko na ang isa sa mga problemang matagal ko ng iniiwasan. Alam ko na natatakot ako pero alam ko na Kakayanin ko ito.

Tatapusin ko na ang istoryang ito.. Nawa'y magtagumpay ako...

Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at kinuha ang diary sa maliit ko na bookshelf. Umupo ang sa aking study table, kumuha ng ballpen at nagsimulang magsulat.

Makalipas ang dalawang oras ay natapos ko rin ang pagpaplano sa aking kuwento at naumpisahan ko na din ang kalahati ng unang Kabanata..

Hindi ko Alam kung ano ang sunod ko na magiging karakter sa storyang ito at hindi ko rin alam kung kailan ako makakapunta.. Pero sana maging successful naman. Ayoko rin na may masamang mangyari sa akin.

Medyo tinatamaan na ako ng antok, binuksan ko naman ang cellphone ko. 2:37 AM, Bukas ko na ito itutuloy kailangan ko munang magpahinga.

Kinabukasan maaga akong nagising para ipagpatuloy ang pagsusulat. "Oo tama, papangalanan ko siya bilang Avery" Sabi ko sa sarili.
"Avery? Sinong? Ohhh nagsusulat ka na ulit? Tagal na ng huli kitang nakitang pagpuyatan nanaman ang pagsusulat" Sabi ni Kuya sa akin.
"Shh wag ka ngang maingay diyan Kuya, hindi ako makapag-concentrate" biro ko.
"Ohh sige ipagpatuloy mo na yan, at pwede ba kapag nagsusulat ka huwag naman yung nagsasalita ka? Kasi matutulog ako. Ayoko lang ng boses mo nakakairita" Pangasar pa ni Kuya sa akin.

Bzzz Bzzz Bzzz...

Ahh, nakatulog na ako! HAHAHAHA parang hindi naman ako napagod sa pagsusulat, teka? Kailan ako nakatulog hindi ko maalala.

Chineck ko naman yung cellphone ko, 7:51 PM.

Haa!! Ilang oras na akong nakatulog! Tinignan ko naman yung diary at mas Lalo akong nagulat dahil kanina lang ay patapos palang ako sa unang kabanata at... At ngayon ay nasa pang sampung Kabanata na ako!

Paanong??

Lumabas naman ako ng kwarto para tanungin sila at para na rin kumain nagugutom na din ako.

"Kuya, alam mo ba kung anong oras ako nakatulog?" Naguguluhan ko din na tanong.

"Anong natulog? Kailan? Hindi kita nakitang natulog" sagot niya.
"O anak saan ka pupunta? Kakain ka nanaman ulit?" Tanong naman ni mama sa akin.
"Po? Pero hindi pa po ako kumakain" sagot ko.
"Hay nako, Alana huwag mo nga kaming lokohin kanina lang ay bumaba ka para kumuha ng pagkain" Sabi ni mama.

Ok Tanggapin ko na ako iyon kahit hindi, imposibleng mangyari yun. Hays aakyat na nga lang ako sa kwarto at itutuloy ang pagsusulat.

Ilang araw at gabi na rin ang lumipas hindi maalala Pero buwan na ata? Sa wakas tapos ko na din ang kwento, iniintay ko nalang na makapasok ako rito para subaybayan, makita at makilala ang aking mga karakter..

Hindi ko Alam kung anong nangyayari sa diary na ito dahil naaalala ko tuwing malapit na o tapos na ako sa pagsusulat ng kwento ay makakapunta na ako sa aking kwento..

Pero bakit hindi pa ako makapunta? Ilang linggo ko nang tapos yung ahh?

Hays, siguro masyado lang akong excited na medyo kinakabahan din.

"Maa! Nagmessage sa akin yung supervisor namin kanina at sinabi na pumasok daw ako bukas ng maaga, parang gusto na ata nilang itaas ako sa trabaho" masaya Kong kwento Kay mama.
"Nako nakakaproud ka naman anak, O siya matulog ka na ngayon ng maaga at ipaghahanda kita bukas ng Baon" Sabi ni mama.

Omyy!! Excited na ako!! Matagal ko ng nang pinangarap ito!

Ahhh anong oras naa hindi pa din ako makatulog, hindi ko alam pero lagi nalang akong ganito kapag naeexcite.

Bzzz Bzzz Bzzz...

HAA! Anong oras na! Nako! Ito na nga ba ang sinasabi ko.. LATE NANAMAN AKO!!

Kailangan ko nang nagmadali..

Asan na ba yung suklay, Hays di ko nahanap.

*Flips *Flips *Flips

Teka! Hindi naman malakas ang hangin...

Nilingon ko na agad at alam kung yung diary ito..

Ito na.. WRONG TIMING NAMAN!!

AHHHH.......




Kwaderno Where stories live. Discover now