"Ang sakit mo magsalita! Ang pangit mo!", kinuha nya ang plato sa lap ko bago tumayo. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nag puppy eyes pa ako dahil baka maawa sya sa'kin at bigyan ulit ako ng grapes. "Pamasko ka riyan. Matagal pa ang pasko!"

"Bibigyan mo na 'ko?", nakangiting tanong ko sa kanya.

"Oo na! Nanlalait ka na e!",pagsuko nya. Tinalikuran nya na ako at para akong batang tumayo at tumalon talon.

Hinawakan ko ang tyan ko habang masayang tumalon talon.

"Narinig mo 'yon, anak? Bibigyan na tayo ng grapes ng ninang mo. Hintay lang tayo anak ah.", pagkausap ko pa sa anak ko. Hinimas ko ang tyan ko at kahit hindi pa naman masyadong malaki ang tyan ko, pinakiramdaman ko parin ang anak ko.

Naupo na ulit ako nang makitang pabalik na si Mariz mula sa kusina. Dala na nya ang plato na may laman ng grapes. Sinandal ko pa ang likod ko sa sofa para marelax ang likod ko. 

Nang makalapit na si Mariz, naupo muna sya sa tabi ko bago  inilahad ang grapes sa'kin. Nakangiti akong tinanggap iyon sa kanya bago muling magsimulang kumain. 

"Salamat", nakangiting sabi ko sa kanya bago muling kumuha ng isa pa. 

"Waala 'yon. Kung ano  man ang pwede ko pang maitulong, don't hesitate to tell me, okay?"

"Oo naman! Pasensya na kung nakakaistorbo ako ah. Alam mo naman na nahihiya rin ako magstay sa bahay nila AJ.", seryosong sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman si Mariz habang nakatingin lang sa'kin. 

"So, ano ng plano mo? Hindi naman pwedeng hindi malaman ni AJ na magiging tatay na sya, diba? Kailan mo sasabihin sa kanya?", malumanay na tanong nya. Saglit akong natigilan at napaisip. 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung gusto nya pa bang magkaanak sya sa'kin. Hindi ko alam kung gusto nya bang panagutan ang anak namin pero hindi naman sya siguro ganon. Napakabait nya. Sa ilang taon na magkarelasyon kami, nakita ko talaga kung gaano sya kabait at kabuting tao lalo na pagdating sa pamilya at mga kaibigan namin. 

"Hindi ko pa alam e. Hindi ko kasi alam kung gusto nya bang magkaanak sa'kin.", my voice broke. Nag aalalang lumapit pa lalo sa'kin si Mariz at kinuha ang plato sa lap ko. Inilapag nya iyon sa lamesa bago ako tuluyang lapitan at hindi ko napaghandaan ang sunod nyang ginawa. Niyakap nya ako at inilagay sa likod ang dalawa nyang palad. Hinaplos nya ang likod ko habang nakayakap sya sa'kin.

"I know what you're feeling right now but you know, as your friend.. hindi naman ako pwedeng makisali sa problema nyo ni AJ. I'm just your friend. I'm only one call away when you need me. You guys are my bestfriend and I don't want you to feel that I'm taking any sides of both of you.", she sincerely said. I sighed out of frustration.

"Can a relationship be happy even if time passed by and years passed?", out of curiousity, I asked her.

Alam ko naman ang sagot, pero I just want an assurance. I know she's been in a relationship but something happened kaya balik single na sya ulit ngayon.

She sighed heavily while she keeps rubbing my back, trying to make me calm.

"For me, yes.. but it really depends on the couple. We can't predict the future but as I see, you and AJ had the most stronger relationship. Hindi naman kayo tatagal ng 12 years kung hindi kayo matatag, diba?"

"I think, this is the end for it. I can almost feel it."

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa'kin at nagtatakang sinuri ang kabuuan ko. Parang hindi sya makapaniwala sa narinig nya mula sa'kin. 

"Are you saying na may problema kayo ni AJ? Kaya ka ba nya iniwan rito sa Palawan para sa babae nya?"

Napabuntong hininga naman ako bago nag iwas ng tingin. Pero bago ko pa man maiiwas ang tingin ko sa kanya, hinwakan nya na ang chin ko at pilit akong iniharap sa kanya. 

All Too WellWhere stories live. Discover now