"Sige po, doc. Una na kami", muling paalam ni Danica sa doktora bago kami tuluyang lumabas ng ob-gyne clinic. 

Habang naglalakad kami patungo sa parking, kung saan nakapark ang sasakyan na gamit namin, hindi parin mag sink in sa'kin lahat ng nalaman ko ngayong araw na ito.

Para bang masaya ako na malungkot na hindi maintindihan. Ang gulo gulo. Hindi ko rin alam kung paano ba sasabihin ito kay AJ. Baka magulat sya o hindi nya matanggap pero bahala na.

"Ayos ka lang ba?",tanong ni Danica mula sa mahabang katahimikan. Hindi ko napansin na nasa loob na kami ng kotse at naka seat belt na rin ako.

Napahawak ako sa tyan ko at marahang hinaplos iyon. Dahan dahan kong pinakiramdaman ang bata sa sinapupunan ko. Bagama't dugo palang ito, alam kong dugo at laman ko ito.

"Ayos lang ako.",napabuntong hininga ako at hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko. "Hindi parin ako makapaniwalang may baby na 'ko. Nasa tyan ko pa nga lang"

"Kaya ingatan mo lalo ang sarili mo. Hindi ka na nag iisa. Nariyan na ang baby sa tyan mo kaya mag doble ingat ka. Lahat ng sinabi ng doktor kanina, sundin mo. Lahat ng bawal, 'wag mo gagawin. Para rin iyan sa magiging anak mo", saad ni Danica.

Nilingon ko si Danica bago maliit na ngumiti habang patuloy na hinahaplos ang tyan ko. Baby, mamaya makikita mo na si Daddy mo.

"Do you think tatanggapin nya yung anak namin?",wala sa sariling tanong ko kay Danica habang paliko kami sa isang kanto papuntang safe house.

"And what makes you think na hindi nya tatanggapin ang anak n'yo? Kung hindi nya sana pinutok sa loob, edi sana wala kayong anak. Kung ayaw nyang magpaka ama sa anak n'yo, handa naman akong kupkupin kayo. Ligtas naman tayo sa safe house kaya pwede ka naman roon habang nagbubuntis ka. Kung sakali lang naman na hindi nya tanggapin ang pagbubuntis mo"

Napabuntong hininga ako bago tumingin nalang sa labas ng bintana.

"Maselan ang pagbubuntis mo. Hindi ka dapat maistress. Kaya hangga't maaari Shaneia, iwasan mo ang stress kung gusto mo pang mabuhay ang anak mo", seryosong paalala ni Danica. Natahimik ako at hindi na nagsalita.

Sa totoo lang, medyo stress ako dahil hindi ko talaga makalimutan yung nakita ko. Sana nga hindi nalang kami nagpunta roon para hindi na ako nasasaktan ng patago.

Nasasaktan ako pero hindi nya manlang ako magawang kamustahin. Lagi nalang syang busy sa bago nyang kaibigan na sinasabi nya. Paano naman ako na girlfriend nya? Balewala nalang ba ako sa kanya?

Nang makarating kami sa safe house, pinasok namin sa loob ang sasakyan kung saan ito nakalagay kanina. Mabuti nalang at walang nakasunod sa'min. Delikado kasi kapag may nakaalam na may safe house kami.

Nang maayos na naming naipark ang kotse, akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang umalma agad si Danica. Nilingon ko sya at nakitang seryoso lang syang nakatingin sa'kin.

"H'wag ka muna bababa. Hintayin mo akong makababa para maalalayan kita.", seryosong aniya. Hindi naman ako nagsalita at nakatingin lang ako sa kanya. Hinintay ko syang buksan ang pintuan ng driver's seat bago bumaba ng sasakyan. Pumihit sya sa pwesto ko bago ako pagbuksan ng pintuan.

"Dahan dahan", aniya habang nakaalalay sa braso kong hawak nya. Ingat na inagt sya sa'kin na para bang sa bawat kilos ko ay maapektuhan ang sanggol sa sinapupunan ko. Maingat akong nakababa ng sasakyan. 

Si Danica na rin ang nagsarado ng pintuan ng shut gun seat bago nya ako ulit alalayan papasok sa loob ng safe house. Nakaalalay lang sa'kin si Danica hanggang sa makapasok na kami sa loob. 

All Too WellWhere stories live. Discover now