Lumapit sya kay Akesha at nang mag angat ng tingin ang bata, lumawak ang ngiti nya nang makita nya ang kuya nyang si AJ.

"Bro, where have you been? Ang sabi mo kahapon, babalik ka rito.", tanong ni Harvey kay AJ. 

He cleared his throat before turned his gaze on me. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya at paminsan minsan ay kay Akesha at Harvey.

"May.... May tinapos lang ako. May kailangan kasi kaming gawin ni Raxxie kahapon kaya pinagbigyan ko na", seryosong sagot nya. 

Saglit na sumulyap sa'kin si Harvey bago sya muling bumaling kay AJ. 

"Hindi mo manlang ba papansinin si Shaneia?", nagbabakasakaling tanong ni Harvey. 

"Kuya, kiss ate Shaneia like you used to do", si Akesha. 

Akmang lalapit si AJ sa'kin nang umiwas ako. Nilapitan ko si Akesha at hinawi ang kanyang buhok na tumatama sa kanyang mukha. 

"Let's go home na. Para makapag pahinga ka na pag uwi. I have something to do. May pasok pa kasi si ate Shaneia", marahang sabi ko sa kanya. Mas ayos na siguro yung ibahin ko yung topic. 

I know that I'm being rude and a little bit sensitive pero sa tuwing ipipikit ko yung mata ko at sa tuwing nakikita ko si AJ, parang bumabalik sa'kin ang nakita namin ni Aljaine kahapon sa bar. 

Bumaba muna ako para magbayad ng hospital bills ni Akesha. Nagpaiwan kasi si Harvey at AJ roon sa kwarto ni Akesha para may kasama yung bata.

Nang maasikaso ko na ang bill  at nakapagbayad na 'ko, hindi ko inaasahang makikita ko si AJ. Akala ko ay mag iistay sya roon sa kwarto ni Akesha para libangin ang kapatid nya, pero it seems like sinundan nya ako rito. 

Tipid akong ngumiti sa kanya, habang sya ay seryoso lang na nakatingin sa'kin. 

"Oh! Akala ko ba roon kayo ni  Harvey? Bakit sumunod ka pa? Pabalik na rin naman ako", nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi naman nagbago ang emosyon sa kanyang mukha. 

"I just want to look after you. Namiss kasi kita", aniya sa seryosong tinig. Tumango  nalang ako bago akmang lalagpasan na sya nang hawakan nya ang kamay ko. 

Lumingon ako sa kanya at nagtataka syang tiningnan. 

"May kailangan ka pa ba?", tanong ko sa kanya. 

"Let's talk, Shaneia"

Shaneia. He called me by my name. He called me Shaneia. 

"Okay, sige. Ano bang pag uusapan?", kasuwal na tanong ko sa kanya.

"Ihatid muna natin si  Akesha sa bahay bago tayo mag usap"

Ganon nga ang ginawa namin. Nagpaalam na rin si Harvey na aalis na sya dahil uuwi pa  raw sya sa bahay nila ni Aljaine para magluto ng tanghalian at dalhin  sa office ni Aljaine.

Hindi ako sumakay sa kotse ni AJ dahil dala ko naman ang kotse ko. Nagpapatugtog lang ako ng mga ramdom na kanta. 

Now Playing: Kahit kunwari 

Habang nagmamaneho ako, naninikip ang dibdib ko at para bang anumang oras ay maiiyak na ako. Napakahina ko pala talaga. Kaunting bagay lang, naiiyak na ako.

Ang sakit sakit na makita mo ang taong mahal mo na may kahalikang iba. 

Anong dahilan nya kung bakit nya 'yon nagawa sa'kin? Nagkulang ba ako? 

Hindi na ba sya masaya sa'kin? May gusto ba sya kay Rxxie?

Hanggang sa makarating ako sa bahay nila AJ,  tahimik lang ako. Nakita ko agad ang kotse ni AJ, kaya nalaman ko agad na nauna silang nakarating sa bahay.

All Too WellWhere stories live. Discover now