Level Seven - 5ever

Magsimula sa umpisa
                                    

Bukas ko nalang siya kakausapin tungkol dito. In lieu, sumalampak nalang ako sa kama ko at doon nag laptop. Noong naalala ko na meron nga pala ako at comforter ang hinihigaan ko at ang favorite ko pa na Mickey Mouse ang design, lumipat na lang ako sa study table.

Inopen ko yung twitter ko. Hindi na ako nagfafacebook. Hindi ko na masiyado trip ang mag-facebook. Ang dami kasing KINDLY ONES doon eh. Tsaka kokonti lang kasi ang nakakaalam na may twitter ako kaya malaya akong nakakapagsulat ng kahit ano doon. Ginagamit ko nalang ang facebook pag makikipagchat.

Nagtweet muna ako na nakauwi na ako kahit alam kong wala na mang may pake. haha. Online Diary ko na kasi ang twitter. Feel ko lang siya. Mas okay sa akin ang kaunting followers. Speaking of followers. Hindi ko na napapansin yung interactions at kung ilang na ba ung natweet ko. 

Una, pumunta muna ako sa interactions. Hindi pa naman online si Hyunsu eh. Magaannounce naman yun. Tsaka maaga pa masiyado. For sure, wala pa sa bahay yun. Kung paano ko nalaman? Secreeeeeeeet!

Puro mga usap lang pala namin ni Althea ang nandoon tapos yung iba puro favorites. So yun, sa followers naman ako. 199 na yung followers ko. Wow! Ang dami. Hindi naman ako sikat para magkaroon ng tatlong digit na taga-sunod no, tinignan ko kung sinu-sino yun. 

Mga schoolmates ko pala yung iba naman mga hindi ko kilala. Pili lang ang finollow back ko. Ano naman ang paki ko sa ginagawa ng mga taong hindi ako interesado? 

So yun, scroll scroll lang. Huling check ko kasi dito 100 lang. Grabe naman yung dumagdag ng 99. Naisip ko tuloy na dahil yung sa nangyari kanina sa school. Tsk! 

W-WAIT...

T-totoo ba 'to?!

Hindi ulit ako nananaginip?!

As in?!

FINOFOLLOW AKO NI HYUNSU?! 

"Weh?!" nasabi ko sa sarili ko. Hindi ba nagtotopak si Twitter?! Tinignan ko sa interactions kung kailan niya pa ako fina-follow. Nakita kong matagal na pala mula pa nung tinweet ko siya. Grabeeeeeeeee!!

Pero naisip ko, Oo nga... Finafollow niya ako pero sinasagot ba niya mga tweets ko sa kanya? 

Finafollow nga niya pero may paki ba siya sa akin?

Finafollow nga niya ako pero... bakit ganon?!

Tinignan ko yung profile niya, halos four thousand na yung followers niya. 

Hays. Alam ko na kung bakit hindi niya na ako pinapansin... 

Sikat na siya eh...

Kilalang-kilala na siya.. 

Marami ng nagkakagusto sa kanya..

Bakit kasi lagi nalang ako naattach sa taong mahirap abutin?

Hayyyy...

"Ano ba yang iniisip mo, Kai!  Fan ka nga lang diba? Syempre natural na lang na isnabin ka ng iniidolo mo." sambit ko sa sarili ko. Pilit kong ngumiti.. Kaso wala eh, naiiyak na naman ako.. Bakit ba kasi ang iyakin ko? 

Dahil sa dala ng emosyon na patweet ako, "Should I stop? Should I?"

Nagmumuni-muni ako ng marinig kong magring ang cellphone ko. Si Althea ang tumatawag, Bakit kaya? Inaayos ko muna yung boses ko dahil kakaiyak ko lang. Medyo may sipon pa ako kaya boses ngongo pa.

"S-sorry Kai.." narinig kong umiiyak si Althea sa kabilang linya.. Kung iyakin ako, mas iyakin si Althea. Hayyy..

"Hayy.. Alam mo naman na kahit anong mangyari hindi ko kayang magalit sa'yo eh.."

"Sorry.. K-kai.. Gulong-gulo na ako.. Akala ko kasi.."

"Sssh.. Tahan na. Alam mong hindi ko alam kung anong nangyayari.. Pero kung ano man yan, I'm here.. I'll listen.. Pero kung hindi ka pa ready.. Okay lang. I understand." 

"S-salamat Kai ah.. Sasabihin ko rin naman sa'yo eh.."

"Ano pa't naging bestfriend tayo? 5ever nga diba?"

"5ever! I love you Kai.."

"Eww! Haha. Joke, I love you too Thea! Osya, suminga ka muna, natulo na uh! Haha! Joke ulit."

"Baliw! O sige na, naabala na ata kita, kina-career mo na pagiging stalker mo eh."

"Correction, Admirer not Stalker." 

"Whatever, bye!"

Call ended.

Hay buhay parang life! Ang kaibigan ko marunong na lumovelife.. Nagdadalaga na..

---

Dedicated sa kanya dahil mahal ko siya at siya ang aking bestfriend. Labyooo!  Salamat po sa mga nagbabasa, nagcocomment at nagvovote. Nakakaiyak talaga promise. 

The Fame GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon