"May bata. Ikalma mo nga 'yang ano mo", mahinang bulong ko sa kanya. Naglumikot ang kamay nya sa likod ko hanggang sa tumigil iyon sa bewang ko. Pinisil pisil nya iyon hanggang sa unti unting bumababa ang kanyang kamay at tine-trace ang hem ng damit ko. Hinampas ko ang kamay nya.

"Paisa lang ako",pilyong bulong nya. Sinubukan kong umalis sa kadungan nya pero ikinulong nya ako lalo sa kanyang braso.

"Nakaisa ka na. Tama na 'yon",sagot ko naman sa kanya.

"Kuya, ate Shaneia, ano pong pinag uusapan n'yo?", napalingon ako sa nagsalita at nakitang nagtataka ang tingin sa'min ni Akesha. Nakanguso lang sya habang diretso ang tingin sa'min.

Umalis ako sa pagkakaupo sa kandungan ni AJ at sinamaan sya ng tingin. Inosente lang syang nag angat ng isang kilay sa'kin, nagsusungit. Inirapan ko lang sya bago tumingin sa bata.

"Wala, baby girl.", nakangiting sabi ko kay Akesha.

Napabaling ang tingin ko kay AJ nang tumikhim ito. Seryoso lang itong nakatingin sa'kin pero sa mata nya ay makikita ang pagnanasa.

"Aalis pala muna ako. Kailangan na kasi ako sa trabaho",seryosong paalam ko sa dalawa. Kumunot ang noo ni AJ habang ang bata naman ay nakanguso lang habang nakikinig.

"Aalis ka na naman? Kadarating mo lang mahal ah. Pwede bang bukas ka nalang pumasok?", masuyong pakiusap ni AJ. Inabot nya pa ang kamay ko. He intertwined our fingers and hold it tight.

"Kaya nga mahal e. Hindi naman ako nagpunta rito sa Palawan para magbakasyon. Trabaho ang dahilan mahal. Sana ay maintindihan mo. Pasensya ka na kung kailangan ako sa trabaho ko. Tumawag kasi ang boss ko. Pinagmamadali na ako at para makabalik ulit ako agad rito", mahabang paliwanag ko sa kanya. Hindi ko pa kasi handang sabihin sa kanya ang lahat. Masyado pang maaga at alam ko naman na magiging maayos rin ang lahat. Sa ngayon, kailangan ko muna bumalik sa safe house dahil baka pagbalik ko roon, kung ano na ang nangyari sa kanila.

Bumuntong hininga si AJ. Mukhang wala ng magagawa pa dahil tungkol naman talaga sa trabaho kung bakit ako narito at dahil rin kay Akesha. Hindi ko naman hahayaan na maulit pa ito lalo na at may nadamay na inosenteng bata.

Pero bakit sa lahat ng kailangang barilin, bakit si Akesha pa? Nag imbestiga  ba sila tungkol sa pamilya ni AJ o nagkataon lang?

"Mahal, mag iingat ka ah. 'Yang pagiging abogado mo, tutol ako riyan sa totoo lang. Pero dahil 'yan ang gusto mong trabaho, wala na akong magagawa pa. Ang tangi mo lang magagawa ay umuwi ng ligtas at mag iingat ka lagi. Hindi biro ang maging isang abogado.",seryosong aniya. Ngumiti ako ng tipid bago tumango.

"Mag iingat ka po ate. Hihintayin po kita, hihintayin ka po namin", maliit na tinig ni Akesha. Dahan dahang binitawan ni AJ ang pagkakahawak sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya bago lumapit kay Akesha. Lumapit ako sa kanyang uluhan at hinalikan sa kanyang noo.

Agad akong dumistansya sa kanya habang may maliit na ngiti sa labi.

"Please pray for me, okay?",malambing kong request sa kanya. Nangunot naman ang noo nya na para bang nagtataka sa sinabi ko. Nang mapagtanto ko ang aking sinabi, tumikhim ako bago pumihit kay AJ. Lumapit ako sa kanya bago matamis na ngumiti.

"Aalis na 'ko, love. Babalik ako as soon as matapos na yung kailangan kong gawin", nakangiting pagpapaalam ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya bago sya halikan sa kanyang labi. Tumugon naman sya kaya nagtagal pa iyon ng isang minuto.

"Can you please stop kissing infront of me?", napabitaw kami sa halikan namin ni AJ nang biglang magsalita si Akesha. Tumawa lang kami bago ako muling nagpaalam sa kanila. Bago ako lumabas ng pinto, humarap pa ako sa kanila sa isa pang pagkakataon bago kumaway. Nag flying kiss pa ako at natawa ako nang mag unahan silang hulihin iyon sa ere bago ilapat sa kanilang pisngi.

All Too WellWhere stories live. Discover now