Plan 11

6.1K 313 108
                                    



~Do Kyungsoo~




Tinabig ko yung crackers na bumabangga sa ulo ko. "Ano ba yan Chen! Ingat nga!" inis na sabi ko saka kinuha yung inaabot niyang crackers mula sa likod.



"Ako na nga tong nagshe-share ng food!" sagot naman ni Chen.



Umirap ako saka inabot kay Jongin yung pagkain. "Oh, kuha ka daw." Mahina kong sabi. Tumingin naman dito si Jongin saka umiling.



"Hindi ako gutom." Sagot niya saka sumandal ulit sa upuan. Mukhang ang lalim ng iniisip netong taong to ah.



Inabot ko naman yung crackers sa harap saka umayos sa upuan ko. Ayoko kasi yung inooffer na pagkain ni Chen kaya hindi na ako kumuha. Kadiri. Baka ang dumi-dumi pa. Galing kaya kay Kim Jongdae yun.



Gruuu. Gruuu.



Napabuntong hininga nalang ako saka kumuha ng tubig at pagkain mula sa bag ko. Ayokong magka-ulcer, kaya kakain ako ano man ang mangyari.



"Pahingi." Sabi ni Jongin saka kumuha sa crackers ko.



"Akala ko ba hindi ka gutom?" inis na sabi ko sakanya. Binuksan ko yung water bottle ko saka nainom. Napatingin si Jongin dito at ngumisi.



Inagaw niya sakin yung Summit drinking water ko!



"Uy! Ano ba yang—AY JONGIN! BAT KA UMINOM SA TUBIG KO?"



Natawa lang siya saka binalik sakin yung tubig ko. Kalahati na ito dahil sa kagagawan niya! Saka bakit siya uminom eh laway-conscious ako?



Saka ano yun? INDIRECT KISS? Aba naman Jungen.



"Sarap ng tubig mo ah." Mapang-asar na sabi niya. "Anong flavor ba yan?"



Tinignan ko naman siya ng mas masama. "Laway ko ang flavor." Inis kong sabi. "Ano, masarap?" Inirapan ko pa siya saka sinara yung takip ng tubig ko. Inagaw ko na din mula sakanya yung pagkain ko saka isinilid ito pabalik sa bag. Huwag na nga akong kakain kung may peste naman dito sa tabi.



Tumawa ng malakas si Jongin habang ako, banas na sakanya.

Not the PlanМесто, где живут истории. Откройте их для себя