Plan 8

5.5K 325 150
                                    




~Do Kyungsoo~




 Napatingin ako kay Jongin habang hinihila ko yung camping bag mula sa cabinet. Mageempake na ako para hindi ako mag-cram. Nakaupo siya habang nagbabasa ng isang libro.



"Hindi ka pa magpa-pack?" tanong ko sakanya habang nilalabas na ang ilan kong gamit.



Napatingin siya sakin saglit at umiling. "Not yet." tipid na sagot niya.



Napatango nalang ako at tuloy lang sa pag-aayos nang may maalala ako. "Siya nga pala," simula ko at saka siya napatingin sakin sabay taas ng isang kilay.



"What?" tanong niya. Tignan mo to. Napakasuplado talaga.



"Anong promise?" tanong ko. Naguguluhan kasi talaga ako sa sinabi niya kay Chen na promise ko sakanya. "Nag-promise ba talaga ako sayo noon? Bat parang wala akong maalala?" sabi ko pa habang tinitiklop ng maayos yung mga damit na nakuha ko na.



Umiwas ng tingin si Jongin saka binalik sa libro yung atensyon niya. "A-anong sinasabi mo?" tanong niya habang umiiling. Napa-frown siya at hindi ako tinitignan, parang nagtataka pa nga.



"Yung sinabi mo nung isang araw," sabi ko naman habang naka-irap sakanya. "Nakalimutan mo agad?"



"Huh." sabi niya saka umiling ulit. "Wala akong maalala." 



Sa sobrang inis ko, naibato ko sakanya yung isang shirt ko na hawak ko. Ano to? Nag-iimagine ako, ganun? Ako pa yung sinungaling, ganun? Assuming ako, ganun? Aba. Aba.



"ANO BA?" sigaw niya sabay bato sakin pabalik nung damit. "Para kang bata ah!"



"Ako pa yung parang bata?" sigaw ko din naman pabalik. "Ikaw nga tong magulo kausap. Hindi naman kasi talaga ako nag-promise na travel buddies tayo diba? Saan mo nakuha yun?" napa-irap ako sakanya at nag-ayos nalang ulit ng gamit.



"Psh." sagot niya. "Pake mo ba? Eh sa gusto ko eh."



Tinaasan ko siya ng kilay. "Yeah, right. Spoiled jerk."



Umiling siya saka sinara yung libro niya. "I just don't want to be paired with some other people there." seryoso niyang sabi. "Mabuti na yung medyo kakilala ko diba. I don't want to feel uncomfortable." Napatingin siya sa ginagawa ko saka binuksan ulit yung libro niya at nagbasa.

Not the PlanWhere stories live. Discover now