Plan 49

3.2K 202 86
                                    



Next UD would be on Sept. 1 ! Pa-birthday ko na din sa inyo. haha. :DD




* * * * *




Niyakap ni Kyungsoo ng mahigpit yung unan niya. 



Kanina pa niya pinipigilan ang pag-iyak pero hindi niya magawa. Ayaw nilang ipakita sakanya si Asher maski si Jesper kahit nasa iisang bahay lang silang lahat. Tanging ang Mommy lang niya ang nakakabisita sakanya at kung minsan, may dala itong letter or card galing sa dalawang bata. 



Pinunasan ni Kyungsoo ang mga luha niya habang nakatingin sa card na gawa ni Asher. May nakasulat doon na "I miss you mama" gamit ang magulo niyang hand writing. Napahikbi si Kyungsoo at tuluyan na ngang naiyak. 



Tinupi ni Kyungsoo ang card at hihiga na sana ulit nang may kumatok sa kwarto niya. Napatingin siya sa pinto at dahan-dahan itong bumukas. Sumilip si Suho mula sa pinto at malungkot na tumingin kay Kyungsoo. 



"S-suho?" halos hindi marinig na sabi ni Kyung. 



Pumasok si Suho sa loob ng kwarto at saka sinara ang pinto. Tinignan niya ulit si Kyungsoo at walang salita ang makaka-describe kung gaano siya nasasaktan para sa taong mahal niya. Aaminin niya, ayaw niyang mag-sama sina Jongin at Kyungsoo... pero hindi sa ganitong paraan. Hindi sa paraang nasasaktan si Kyungsoo. 



"K-kyungsoo..." bulong ni Suho at lumapit kay Kyung. 



Gulat lang siyang tinignan si Kyungsoo. "A-anong ginagawa mo dito?" takot na tanong niya. "A-alam ba n-ni Dad?" napatayo siya mula sa kama at lumapit kay Suho. 



Tumango si Suho at hinawakan ang magkabilang balikat ni Kyungsoo. Dahan-dahan niya itong tinignan mula ulo hanggang paa, tinitignan lahat ng sugat at pasa nito sa katawan. Pero hindi din niya kinaya at umiwas ito ng tingin. 



"I talked to Tito." sagot ni Suho sakanya. "He gave me the permission to talk to you." 



Tumango si Kyungsoo at niyakap ang sarili gamit ang isang braso. "W-what else did he tell you?" mahina niyang tanong. Pero may parte sa sarili niya na ayaw ding malaman ang sagot. Ano nga bang magandang masasabi ng Daddy niya tungkol sakanya diba? 



Umiling si Suho at nagbigay nalang ng maliit na ngiti. "It... it doesn't matter, Kyung." mahinang sabi niya. Hinawakan niya ang mukha ni Kyungsoo at hinaplos ito. "How are you now? Kumakain ka pa ba? Do you want me to bring in some food?" 

Not the PlanWhere stories live. Discover now