Plan 9

4.9K 307 73
                                    




~Do Kyungsoo~




"Bilisan mo!" pagmamadali sakin ng nognog na to. "Anong oras na oh!"



Tinignan ko naman siya ng masama saka tinapos yung sintas ng rubber shoes ko. "5:00 am palang, Jongin!" inis na sabi ko sakanya. "Sobra ka. Excited?"


"Baka nga maubusan tayo ng magandang upuan sa bus." dahilan pa niya. Nang makita niyang kukunin ko yung suklay ko, inagaw niya ito sakin saka hinala yung braso ko.



"Ano bang--"



"Huwag ka nang magalaw!" inis pa na sabi niya saka sinuklay ako. Mabilis yung galaw niya pero hindi masakit. Inayos niya yung buhok ko habang nakakunot noo. Napa-iwas nalang ako ng tingin habang hinahayaan siya sa ginagawa niya.



Matapos nun, hinila niya ng duffel bag na buhat ko. "Oh! Anong gagawin mo diyan?" sita ko sakanya saka ko siya sinundan palabas ng kwarto namin habang buhat yung backpack ko.



"Bilis." sabi lang niya at mabilis na naglakad papunta sa elevator. Sinundan ko naman siya habang pinipilit na kunin yung bag ko sakanya pero ayaw.



Ano bang nakain ng kumag na ito? Nakakainis na ah.



Mahamog pa sa labas ng building nang makalabas kami pero marami nang estudyante sa may bus. Mas minadali naming maglakad at lumapit sa mga tao doon.



"Baek!" tawag ko kay Baekhyun nang makita ko siyang nilalagay sa may compartment yung duffel bag niya. Nilingon naman niya ako saka ngumiti.



"Kyungsoo!" msayang sabi niya. "Dali na! Baka maubusan kayo ng maayos na upuan."



"Saan ka pala nakaupo?" tanong ko. "Okay lang ba kung tabi tayo?"



Magsasalita pa sana si Baek nang naramdaman ko ang hila ni Jongin sa braso ko. "Tabi." sabi niya at inilayo ako sa daanan. Nilagay niya yung duffel bags namin sa compartment ng bus habang hindi binibitawan yung braso ko.



"Halina sa taas." sabi niya sabay hila. Napaatras naman ako at hinila pabalik yung braso ko.



"Kausap ko pa si Baek." daing ko naman at napatingin kay Baekhyun na pinapanood lang kami.

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon