Plan 19

4.5K 292 69
                                    




~Do Kyungsoo~




Tinanggal ni Doc Amber yung stethoscope mula sa tenga niya at inilapag ito sa tabi ko dito sa hospital bed. Inilabas niya yung clipboard niya saka tumingin sakin. "You look fine to me, Kyungsoo." sabi niya. "Mukhang wala ka namang sakit."



Nagsulat siya sa clipboard niya. Napabuntong hininga ako saka tumingin sakanya ng malungkot. "Eh bat ganun, Doc? Normal ba yun?"



Napatingin siya ulit sakin saglit. "Ano na ulit yung mga nangyayari sayo?"



"Sobrang bilis nga ng tibok ng puso ko, Doc Amber." sabi ko at tumayo mula doon sa kama. "Namumula din ako, sobrang init ng mukha ko tapos... namamawis yung kamay ko. Hindi ko talaga maintindihan."



Napakunot noo si Doc. "As in parating ganun?" tanong niya. "Kahit walang dahilan?"



Napaiwas ako ng tingin. Sa tuwing may ginagawang hindi inaasahan si Jongin... doon ko nararamdaman yung mga yun. Minsan, kahit nakatingin lang siya o kahit naiisip ko lang siya...



Umiling ako saka pinalo yung pisngi ko. Hindi ko dapat siya isipin sa ngayon! Bumibilis nanaman yung tibok ng puso ko!  Andito nanaman tong mga nakakatakot na sintomas.



"Kasi..." sabi ulit ni Doc kaya napatingin ako ulit sakanya. "Kung wala kang sakit pero nararamdaman mo yang mga yan, baka naman... inlove ka?" naglakad siya papunta sa upuan niya at tinaasan ako ng dalawang kilay.



Nanlaki ang mga mata ko. "I-inlove?" bulong ko. "H-hindi naman s-siguro, Doc."



Napabuntong hininga si Doc Amber at naglabas ng isang pad. "O sige." sabi niya at nagsimulang magsulat doon sa papel. "Bibigyan nalang kita ng gamot. Bumili ka tapos kapag wala paring effect, bumalik ka nalang sakin."



Tumango ako ng isang beses at dahan-dahang kinuha yung hawak niyang papel. "Thank you, Doc." sabi ko at binigyan siya ng maliit na ngiti. "Ah Doc, sina Jongin pala ang may-ari ng EXO-A. Hindi niya nabanggit sakin yun ah." medyo ilang na sabi ko. Hindi parin kasi ako makapaniwala.



Tumango si Doc Amber. "Well... hindi na ako magtataka. Sa pagkakakilala ko kay Jongin, hindi talaga siya palakwento."



"Oo nga Doc." sabi ko saka umatras. Nag-bow ako sakanya saka nagpasalamat ulit. Naglakad na ako paalis ng clinic nang magsalit ulit si Doc Amber.

Not the PlanWhere stories live. Discover now