Part 44

3.6K 236 51
                                    



I'll be traveling to the city tomorrow, kaya... walang UDs bukas. hehe. :( 




* * * * *




~Do Kyungsoo~




Nabuo ang variety show ng iba't ibang performances. May classical, modern at medieval dances. Meron ding song numbers sa kung anu-anong genres. Meron pang plays at video presentations.



Isang malaking success yung show. At sobrang nakakatuwa yun. 



"Anak! I'm so proud of you!" masayang bungad ni Mommy sa akin nang matapos na nga ang show. May hawak siyang malaking bouquet ng flowers at nakasuot ng isang black leather dress. Nakatayo siya habang katabi si Daddy sa ibaba ng stage. 



Natawa ako nang mapansin yung bouquet saka ko siya niyakap. "Thanks Ma. And what's with the bouquet?" natatawang tanong ko sakanya. 



Agad naman siyang pinigilan ni Dad sa pagbigay sakin nung bulaklak. Ngumiti ito ng maliit saka nilahad yung kamay niya sakin. Agad ko naman itong kinuha.



"Great show." sabi nito. "I hope i could see more of it." tapos ay niyakap niya ako ng mabilis na siyang kinagulat ko. Siguro, sobra siyang natuwa sa show namin ngayong gabi. Niyakap ko naman siya pabalik. 



"Thanks, Dad." sagot ko. "I hope you enjoyed it." 



Tumango si Dad saka hinawakan yung balikat ko at pinisil. "Every bit of it, son." seryosong sabi niya habang nakangiti parin. 



"Hon, what would i do with this if you won't let me give it to our son?" tanong ni Mommy kay Daddy. Niyakap niya ng mahigpit yung bouquet at inamoy-amoy pa. Napatingin naman sakanya si Dad at ngumiti. 



"Fiona, our son is a man. You can't give him flowers after a show." malumanay na sabi nito. Nilagay niya ang kamay sa bewang ni Mommy at napatingin sa paligid. "Just give it to someone else." 



Tumango naman si Mommy saka ginala ang tingin sa paligid. Tapos ay bigla siyang ngumiti ng malaki at tumingin sakin.



"Kyungsoo, why don't you introduce us to your new friends?" tanong ni Mommy sakin. 

Not the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon