Epilogue

4K 223 67
                                    



Niyakap ni Kim Kyungsoo ang sarili habang nakatingin sa kakasabit niyang painting. Katatapos lang niyang gawin yun noong isang araw at pinag-isipan pa niya kung saang kwarto niya ilalagay.



Napangiti siya nang mapansing bagay nga yung asul na kulay ng kwarto ni Asher sa abstract painting na gawa niya. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama ni Asher saka sinuot ang gamit niyang bedroom slippers.



Pinulot niya ang isang nakakalat na toy car mula sa carpet saka ito nilagay sa kama. Kailangan nanaman niyang maglinis ng kwarto ng nag-iisang "anak" nila.



"Feeling cold?" tanong ng isang boses mula sa pintuan.



Napatingin dito si Kyungsoo at nakita si Kim Jongin na may hawak na isang mug ng hot chocolate. Tumango si Kyungsoo sa tanong ni Jongin saka mas hinigpitan ang yakap sa sarili. Kasalukuyan na din kasi ang snow sa America at mas gugustuhin ni Kyungsoo na huwag nang lumabas.



Lumapit si Jongin kay Kyungsoo saka inabot ang mug. Agad naman itong inabot ni Kyungsoo saka nilapat sa labi niya.



"It smells nice." nakangiting sabi ni Kyungsoo kay Jongin. "Thank you."



Pinulupot naman ni Jongin ang braso niya sa bewang ni Kyungsoo para yakapin siya mula sa likod. Hinalikan niya ang pisngi nito na nagpangiti naman sa isa. Dahan-dahan na uminom si Kyungsoo mula sa hot chocolate habang yakap parin siya ni Jongin.



"It's so cold, right?" bulong ni Jongin kay Kyungsoo.



"It's snowing." sagot ni Kyungsoo. "Magulat ka kapag mainit, Jongin."



Napabuntong hininga nalang si Jongin kasi mukhang mababara naman siya kay Kyungsoo. Pero dahil matatag ang loob niya, mas hinigpitan nalang niya ang yakap kay Kyungsoo saka hinalikan pa ang kabilang pisngi nito.



"You know what, Kyung?" simula niya.



Tinagilid ni Kyungsoo ang ulo para makita si Jongin. "What?" tanong niya dito. Uminom siya ulit mula sa hot chocolate habang takang nakatingin sa asawa.



"I know something that could give us some heat." nakangising sagot niya dito. "It's right inside our room." dagdag pa niya habang pinipigilan ang sarili mula sa pagtawa.



Natawa naman ng mahina si Kyungsoo saka dahan-dahan na hinarap si Jongin. "Oh yeah?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ni Jongin. "And that particular thing is...?"

Not the PlanWhere stories live. Discover now