Plan 38

4.2K 256 75
                                    




Dami kong tawa dahil sa nasa MM. Mga 69. WAHAHAHAha~




* * * * * 





6:00 am...




~Kim Jongin~



Nagising ako dahil sa sunod-sunod na kurot at tapik ni Asher sa pisngi ko. Nang buksan ko yung mga mata ko, nakangiti siya ng malaki saka tinakpan yung bunganga ko para hindi ako makapagsalita. Napakunot noo naman ako pero tinuro niya si Kyungsoo at natawa ng mahina. 




"Mama." bulong niya. Tinignan ko naman si Kyungsoo at mahimbing palang yung tulog niya. Pero grabe. Kyungsoo is really cute when asleep. His lips are pouting a little bit and his cheeks are pinkish.


 


Tinuro ni Asher yung cellphone ko at agad kong na-gets yung ibig niyang sabihin. Kinuha ko ito at lumapit kay Kyungsoo. "Doon ka sa kabila." natatawang sabi ko kay Asher at lumipat siya sa tabi ni Kyungsoo. Nilapit namin yung mukha namin kay Kyung saka nag-picture ng ilang beses. Iba't ibang pose pa. 




Maya-maya, gumalaw-galaw na si Kyungsoo. Tumakbo si Asher sakin saka ko siya kinalong habang nakaharap kaming dalawa kay Kyung. Nang buksan na niya yung mga mata niya ngumiti siya saka napa-hikab. 




"Good morning Mama!" masayang sabi ni Asher kay Kyungsoo. Lumapit siya dito saka hinalikan sa pisngi. Sobrang sweet talaga ng batang to. Hindi ko alam kung paano siya nasasaktan nung masamang babae na nanay daw niya.




Umupo naman si Kyungsoo saka antok na tumingin samin. "Aga niyong nagising ah." nakangiting sabi niya. 




Nagtinginan naman kami ni Asher at sabay kaming natawa.





* * * 





Dahil walang damit na pamalit si Asher, naka-hoodie at shorts pa akong lumabas ng dorm para bumili ng damit niya. Nakasabay ko naman si Chanyeol sa elevator at nang tanungin ko kung saan siya pupunta, sabi niya magjo-jogging. 




"Eh saan ka ba pupunta?" tanong niya sakin. "Hindi ka pa ligo no?" 

Not the PlanWhere stories live. Discover now