"I'm not." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Pero pinalis ko 'yon at iniba ang usapan.

"Papunta na kami diyan, kagagaling ko lang sa botique. Bukas daw ipapadala ang gown ko kasama ang suit mo."

"That's good." Mabilis na tugon niya. "Okay na rin ang farm kung saan ang reception, I already talked to Rev. Castillo, we can have our seminar this Friday and Saturday."

"Perfect, wala akong pasok sa mga araw na 'yon."

"That's it! I'll wait you here, huh?"

"Sure. See you." In-end ko na ang call at binalik sa bag ko.

Nagbalik bigla ang ala-ala ko sa ginawa ni Casi na proposal.

***

He had a ground breaking ceremony for a public hospital that he will open soon. After the ceremony we went to his parents house. Sa gulat ko ay  bigla nalang siyang lumuhod at may nilabas na singsing na may mas malaking bato sa binigay niya noong una.

"My wife, Aria. Will you marry me again? I want our Cassia to be the flower girl and have my family with us as we bid our vows in front of our maker." He was very serious while he was looking straight on my eyes.

Lahat ng mga kapamilya niya ay nag-cha-chant ng 'yes.' Tumingin ako sa kanila at ngumiti.

"Of course I will marry you kahit ilang ulit pa, Casi." Tumayo na siya at this time hindi na siya nangalay sa pagluhod. Isinuot niya sa kamay ko ang bagong singsing. Naalala ko ang first and epic proposal niya. That we went viral.

"I love you, my Aria." Sa harap ng lahat ay hinalikan niya ako na tinugon ko. Lalong lumakas ang sigawan. Ayaw pa nga niya paawat kaso nahihiya lang ako at tumigil na.

***

"Nandito na po tayo, Ma'am." Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang pagtawag ng driver.

"Thank you." Dinampot ko ang coach na clutch bag na iniregalo sa akin ng asawa ko last birthday ko.

Kahit sabihin na asawa ako ng Mayor ay nanatili pa rin akong simple. Sa pananamit mas madalas na lang ako sumuot ng dress kesa sa jeans, napalitan din ang jeans ng mga casual pants, ang astig kong pormahan ay naging formal. Kasama na rin siguro ng maturity at pagiging first lady ng Mayor.

Kinawayan ko si Melody na ngumiti sa akin bago ako pumasok sa opisina. Siya pa rin ang kinuha ni Casi na sekretarya dahil gamay na nito ang mga trabaho niya.

"Sweetie," mabilis ko siyang nilapitan at kumandong sa kaniya. Wala namang CCTV. Alam na rin ni Melody na bawal magpapasok sa opisina nang walang paalam kapag nandito ako.

Wala naman kaming ginagawang kakaiba pero gusto ng asawa ko ng privacy when it comes to me. Gusto niya lang ako papakin ng halik. Kaya nga natuto na ako gumamit ng mga lipstick na hindi nag-ii-stain at di madaling mabura. My husband loves to kiss me most of the time. Kaya para hindi na hassle. Ayoko rin naman magmukhang bruha na smudge ang lipstick.

"I missed you today, 'tart." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko.

"And I missed you too, uwi na tayo?" Tumayo na ako at hinila ang isang kamay niya, gamit ang isang kamay ko ay kinuha ko ang clutch bag sa lamesa.

Nagpaalam na siya sa staff at sumakay kami sa Land Cruiser na ginagamit niya. Mas humigpit ang mga security at back ups, mula nang naging Mayor siya.

Humilig ako sa braso niya. "How was today? Napagod ka ba?"

"Hmm, I'm okay. Pagkatapos sa school diretso lang ako sa botique, pero I am good. Konti na lang ang ginagawa sa school."

"After wedding we'll go somewhere." Napaayos ako ng upo at bumaling sa kaniya. I know that excitement were written all over my face.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon