"Kalat yata ang mga ninong namin sa kung saan-saang lugar. Maraming kaibigan sina Mamita at mga magulang ko." Napatango-tango ako sa sinabi niya. Ganoon siguro talaga kapag maraming koneksiyon.

"Magandang araw ho, Señorito at Señorita." Pareho kaming napalingon ni Konsi sa matandang papalapit. Ito marahil ang care taker ng bahay.

"Manong Ambo?" Pagkumpirma ni Konsi. Tinanggal ng matanda ang sombrero at yumuko.

"Oho, welcome ho rito." Ngumiti sa amin ang matandang katiwala. "Inaanyayahan ho kayo ni Mayor sa kaniyang tahanan mamayang gabi." Mukhang may mayor ring kaibigan rito si Konsi.

"Ganon ho ba? O siya pahahatid kami sa driver mamaya. Pahinga muna ho kami."

"May pagkain na hong nakahain sa mesa. At makapahinga rin ho kayo. Alam kong pagod kayo sa byahe." Tinulungan kami ni Manong Ambo na magpasok ng dalawa naming bagahe.

Hindi ko alam kung anong laman ng dalawang maleta, dahil pinaayos na raw iyon ni Konsi. May isa lang akong backpack na nilagyan ng personal kong gamit.

Medyo marami yata ang dalawang di kalakihang maleta at dalawang backpack namin ni Konsi para sa isang linggong stay.

May nakahaing seafood sa ibabaw ng lamesa. Biglang kumalam ang tiyan ko. "Sweetie, nagutom ako bigla."

"Let's eat, this food are appetizing." Ipinaghila ako ni Konsi ng upuan at umupo siya sa harap ko.

Napuno ng tawa at kuwentuhan ang buong oras ng kain namin.

Sinple ang bahay na mayroong dalawang magkatabing kwarto, ang master's bedroom
ay mayroong sariling banyo. Doon kami ni Konsi mag-stay.

***

"Tart?" Nakayakap sa akin si Konsi at nakayupyop ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

"Hmm?" Inaantok pang sagot ko.

"Pakasal na tayo mamaya." Napabitaw ako sa kaniya at tumingin sa mukha niya.

Seryoso ba siya?

Seryoso ang mukha niya at wala siyang ngiti na senyales na biro ang sinasabi niya.

"Seryoso ba?" Umupo ako at nakatingin sa kaniya. Maliwanag pa sa labas, kaya kahit nakatakip ang kurtina ay may liwanag pa rin.

"I am." Nakatitig lamang siya sa mga mata ko.

Tumawa ako. "Sweetie, totoo ba?" Paniniguro ko pa.

"Hawak ko ang pangako mong pakakasalan mo ako pagkatapos mismo ng eleksiyon, manalo man o manalo ako, kahit sa dulo ng Pilipinas, kahit pa tayong dalawa lang." Napaawang ang bibig ko sa sinalaysay niya.

"'Tart, everything you said were given. The election was over, I won, we are all alone here and we are here in Batanes." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala ang Batanes sa naalala kong sinabi ko.

Ngumiti siya sa akin. "We are here in Batanes, dulo ng Pilipinas sa Norte." Sagot niya na pinisil ang baba ko. "Sa Jolo sana kita dadalhin, pero mukhang mas romantic rito, base sa research ko, at dito lang rin ako may koneksiyon." Lumayo ako sa kaniya.

"Koneksiyon?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Nandito ang Ninong kong Mayor rito na pwedeng magkasal sa atin." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Napakatalino talaga ng lalaking ito.

"Kung pwede ko lang gamitin ang power ko as Mayor to solemnize weddings e ako na magkakasal sa atin." Napatawa ako sa sinabi niya. Kating-kati ang isang ito na ikasal kami.

Planadong-planado ang pagpikot sa akin. Napangiti ako sa naisip ko.

"May isang salita ako. Kaya pakakasalan kita." Nakita ko kung paanong biglang parang kuminang ang mga mata ni Konsi.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon