Buhat buhat ni Blake si Princess habang nasa gilid ko naman ang dalawa, nanguguna naman si ate Mar. Hindi pa rin nagbabago ang loob pero mahahalata mong may kung ano sa atmosphere, malungkot. Hindi na ako magtataka, when I first met kuya Bailey ganun din yung emosyon sa mga mata niya.

“Senyorito, nandito na po sila.”

“Maraming salamat, manang.”

Nasa tapat na kami ni kuya Bailey at ngayong nakakaalala na ako gusto ko na lang tumakbo sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.

“Please seat down, everyone---”

“TITO POGI!!!”

Parang flash si Princess na tumakbo papunta sa kuya ko. Agad naman siyang sinalo ni kuya Bailey dahil tumalon talaga siya. “Be careful,” may pag-aaalalang saad ni kuya kay Princess.

“Na miss po kita,” pambabalewala nito sa sinabi ni kuya Bailey at mahigpit siyang yumakap.

“I miss you too, my Princess.”

Binasag ni ate Mar ang mini reunion ng dalawa ng magpekeng ubo siya. “Oww-I’m sorry, please seat down.”

“Sina Mrs and Mr Chua?”

“Pababa na…umm h-hello Sharlyn,” halatang naiilang na bati ni kuya Bailey sa’kin. Naging ganyan siya pagkatapos mangyari ng insidente sa mall. Nagui-guilty kahit hindi niya kasalanan.

“Hi, tagal nating di nagkita nu?”

“Y-yeah…hello Mr.Smith,” baling nito sa katabi ko. Nagpekeng ubo muna si Blake bago bumati pabalik, halatang kinakabahan.

“Good to see you, bro-I mean Mr.Chua,”

“Daddy, your obvious.” Mahinang bulong ni Brayle sa daddy niya na ikinapula ng tenga ni Blake. Narinig ko ang pagbungisngis ni Jhon at ate Mar na nagpatindi ng pula ng tenga niya. He look so cute.

“Sila na ba ang sinasabi mong bisita, James?”

“Dad,Mom…sila na nga po yun,”

Hindi ko magawang lingunin ang dalawang tao sa gilid ni kuya. Na stock yung tingin ko sa kanilang dalawa ni Princess, kahit nakikita sa gilid ng mga mata ko kung anong ginagawa nila. The moment na marinig ko ang malalim ngunit kalmadong boses ni Dad parang gusto ko ng umiyak. Tumakbo sa kanilang dalawa ni Mom at isumbong yung mga pagpapahirap sa’min ni Emeralda na kahit tumanda pa yata ako ay hindi mawawala sa isip ko.

“Nandito lang kami,” parang bumalik ako sa sarili at napalingon kay Blake. Matiim itong nakatingin sa akin at pinisil ang kamay ko para iparating na kaya ko ‘to dahil nandiyan lang sila sa tabi ko.

“Good morning, Mrs, and Mr, Chua.” May paggalang na bati ate Mar.

“Sayo rin,Ms?”

“Shane Mendoza, and this is my sister, Sharlyn Mae Mendoza, her husband, Jameson Blake Smith and my nieces.”

“Nice to finally meet you, Mr and Mrs, Chua,” ani Blake at nakipagkamay sa kanila.

“I know your parents isa sila sa matatalik kong kaibigan and also my business partner, how are they?” Mom asked.

“Masaya na po sila sa langit,”halatang nagulat si Mom sa sinabing iyon ni Blake at mabilis na humingin ng tawad.

“I’m sorry for your lose,hijo.”

“Thank you but you don’t have to Mrs,Chua. I know my mom and dad are very happy for me right now,” may maliit na ngiting ani Blake. Alam kong hindi pa rin maiwasan malungkot ni Blake kapag talaga nababanggit sila Mama. Kahit ako rin naman, sobrang bait nila at talagang mahal na mahal ko sila.

HE WANTS ME BACKDove le storie prendono vita. Scoprilo ora