Broken Treaties

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagkasundo man kami ni Louisse, parang nagkaintindihan din kaming hindi namin makikita si Alec sa school. Pero mabuti na ring pumasok kami kasi hindi din kami sigurado kung saan pa namin siya pwede hanapin. Kung uminom at nagpakalasing na naman si Alec, panigurado napalayas na naman siya ng bar o club dahil sa panggugulo niya o dahil magsasara na sila.

Pero paano kung nakatulog na naman siya sa bangketa dahil sa kalasingan? Paano kung may nangyari na sa kanya? Paano kung binalikan siya nung mga alagad ni Rose?

"Hey, calm down. I'm sure she's fine." Tinapik ni Louisse ang balikat ko. "Si Alec yun. Kahit gaano siya ka-reckless, alam niya ginagawa niya."

"Okay,"

Nakita na kaya ni Louisse si Alec kapag lasing? Alam kaya niya kung gaano nawawalan ng pakialam sa mundo si Alec kapag malungkot at galit siya? Kahit gusto kong kumalma, hindi ako mapakali. Dapat talaga sinundan ko kaagad siya kahapon nung umalis siya. Dapat hindi ako natulala sa mga sinabi niya.

Pero hindi ko kasalanan na nasaktan ako sa mga pangyayari. May karapatan akong matigilan noong pinalayas niya ako.

Sinubukan kong umidlip sa kotse pero masyadong maiksi ang biyahe namin at masyado akong nababagabag para makatulog.

Nang makarating kami sa school, inalalayan ako ni Louisse papunta sa klase ko. Kaklase ko si Alec sa klaseng ito pero kahit late na akong nakarating, walang Alec sa classroom.

"I'll check the tennis court," sabi ni Louisse.

"Pumasok ka na munang klase mo. Mamaya na lang ulit natin siya hanapin."

"Dadaan lang ako tapos papasok na rin ako. Text me na lang if you see her."

"Okay,"

Umalis na si Louisse at naupo na ako sa pwesto ko, iniiwasang mapansin ang mga nakasunod na tingin ng mga kaklase ko.

Nagtuturo na ang professor namin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alec.

"Miss Imperial, take your seat." Iritang sabi ng professor namin.

Nagkatinginan kami ni Alec. Namumula ang mga mata niya at maputla ang labi niya. Hindi ko alam kung anong ginawa niya buong gabi at kung saan siya pumunta pero halatang hindi pa rin siya okay.

Hindi nagsalita si Alec. Umatras na lamang siya at umalis.

"Miss Jaranilla!"

Agad kong kinuha yung bag ko at hinabol siya.

"ALEC!" Sigaw ko sa hallway. Mabilis ang lakad niya papalayo at kahit gusto kong tumakbo, umaangal ang katawan ko.

"ALEC!"

Lumingon siya saglit at kahit sa kalayuan ay natanaw ko ang kislap ng luha niya. Napatid ako sa sarili kong paa at natumba.

Bangon, Sophie. Habulin mo siya.

Pero hindi na kaya ng katawan ko yung sakit. Nanatili akong nakadapa sa sahig habang umaagos ang luha sa pisngi ko. Sa dulo ng hallway, nakatingin lang sa akin si Alec.

"Alec," hagulgol ko. "I'm sorry. Please, kausapin mo ako."

Humakbang si Alec palapit sa akin pero tumigil din kaagad siya.

"Okay ka lang, miss?"

May lumapit sa akin at tinulungan akong umupo.

"ALEC!" Sigaw ko muli nang tumalikod si Alec.

Saglit akong napatingin sa tumulong sa akin. Hindi ko kilala yung lalaki.

"Thank you pero patulong tumayo!" Nagmamadali kong pakiusap sa lalaki.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon