Chapter 49

10 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

< CLEANE XYZ >

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

< CLEANE XYZ >


Nakapaglapag na kami ng dalawang mesa sa labas ng bahay namin. Pinagsama namin ang dalawang mesa para makabuo ng mas mahaba. Para magkasya kaming lahat. Nakarating na rin ang catering team na hinire ni Gelo at tinulungan namin sila sa pag-aayos para mabilis.

"Magandang gabi po, Tita," bati ni Gelo kay Mama nang makarating na siya kasama sina Kuya Gav, at Mama niya, yata. Ang ganda rin kasi ng Mama niya. Pareho sila ng hugis ng mata. "Magandang gabi din po, Kuya Abcdef. . ." At tumingin siya sa'kin. "Magandang gabi, B~ Cleane. . ."

Halos manlaki mga mata ko sa unang buka ng kanyang bibig sa pagtawag sa'kin pero, buti na lamang at napansin niya kaagad. Napahinga ako nang malalim upang maibsan nang kaunti pa ang kaba ko.

"Magandang gabi din sa inyo, Gelo," bati nila Mama at Kuya.

"Maupo kayo," pang-iimbita ni Mama.

Bumati na rin si Kuya Gav sa'min at ibinalik namin 'yun sa kanya nang nakangiti rin.

"Kayo ba 'yung Mama ni Cleane? 'Yung sinasabi sa'kin ni Gelo?" tanong ng Mama ni Gelo kay Mama habang nakangiti. Simple pero elegante siya tingnan sa postura at ayos niya. Naka-dress na dilaw siya na hanggang tuhod at hindi mo masasabing may dalawa na siyang malalaking mga anak.

"Ahh, opo. . . Ako nga po. . . Ako po si Maria Clara Cortez. Mama po ni Cleane," masayang sambit ni Mama at inilahad niya ang kanyang kamay para sa handshake.

Mabilis naman itong isinagot ng Mama ni Gelo at saka tumugon, "Nice meeting you, Maria Clara. I'm Gellie Grace del Castillo. Mama ni Gelo. " At bumitaw na sila sa pakikipagkamay. "Finally, I can get to know the family that Gelo always tells me," nakangiti niya pa ring dagdag habang hinahawakan sa balikat si Mama.

Pagkatapos ay bumaling na ang kanyang tingin sa'kin. "At ikaw si Cleane diba?" marahan ang kanyang pagkakasabi na siyang tila ay ikina-komportable ko sa kanya. Lumapit na rin siya sa'kin.

"Opo," sabay tango ko. "Ako po si Cleane Xyz Cortez. Magandang gabi po. Nice to meet you po, Mrs. del Castillo," dagdag ko pa nang marahan pero nakangiti. Nahihiya nga lang. Halos mapulupot pa nga ang dila ko.

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now