Chapter 11

14 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


< CLEANE XYZ >

“Sige, sige. Pakisabi na maghintay kamo siya saglit ha at bababa na ‘ko,” saad ni Nanay Langga sa kausap niya sa cell phone. Mukhang masaya yata si Nanay.

Pasado alas-sais na ng gabi, at tinutulangan pa ako nina Kuya at Nanay sa pag-aayos sa kwarto ko. Kamukha ito ng kay Kuya ngunit ang kaibahan lamang ay ang kulay ng pader dahil kulay peach ang sa akin.
"Isang tenant ko din dito. Sabi, may mag-o-occupy daw ng isang space sa apartment!" nakangiti siya at halos tumili na sa saya.

Masayang-masaya naman kami nina Kuya para sa kanya.

"Bababa na ako, mga anak ha. Maiwan ko na kayo dito. . . At maghapunan na din pala kayo pagkatapos. Anong oras na din naman na."

"Sige po, Nanay," sabay naming tugon ni Kuya.

"Kain na din po kayo pagkatapos. Maraming salamat po sa pagtulong sa'kin dito. Ingat po kayo," dagdag ko pa nang marahan.

"Maraming salamat po, Nanay," ani Kuya.

"Walang anuman, mga anak. . . Oh, sya, sya. Pupuntahan ko na yung. . . naghahanap sa baba ha. Paalam," at naglakad siya papalabas ng pinto.

Ipinagpatuloy namin ni Kuya ang pagma-mop, pag-aayos ng mga damit ko sa closet at paglalagay ng kobre kama ko. Pagkatapos ay umupo na din kami sa kama para makapagpahinga nang saglit habang umiikot ang tingin ko sa kwarto.

"Ayos na po siguro 'to, Kuya. Siguro, kapag may gusto pa 'kong ayusin, mamaya na lang pagkatapos ng dinner natin para makapagpahinga ka na po,” saad ko habang ibinabalik ang maayos na paghinga.

"Bunso naman. . .” hinawakan ni Kuya ang likod ko. “Huwag kang mag-alala. Hindi ako mapapagod na tumulong sayo, ha.”

"Awww, salamat po, Kuya,” at yumuko ako patagilid ako para mayakap ko siya. Humahalo ang amoy ng pawis niya sa cologne niya ngunit hindi pa rin masakit sa ilong. “Pero seryoso po. Ako na hong gagawa ng natitirang gawain mamaya."

"Nagbibinata na talaga bunso naming eh. Gusto nang maging independent. . . Sige, sige. Basta, tawagan o puntahan mo lang ako sa kwarto ko 'pag may kailangan ka ha. Tara, dinner na muna tayo," bumitaw na kami mula sa pagkakayakap at tumayo na para lumabas at maghanap ng makakainan.

Nang makalabas na kami ng kwarto ay naabutan namin si Nanay na kakasara lang ng pinto ng kwarto na katabi ng sa’kin.

"Hi, Nanay Langga. Diyan ho ba mag-o-occupy yung bagong tenant," tanong ko. Si Kuya ay nasa tabi ko.
"Ahh, oo, anak. Apat na rooms na lang naman bakante at gusto niya diyan," sagot niya nang nakangiti habang papalapit sa’min.

Nag-hum ako habang tumatango.
"Ang pogi nga ng bagong tenant at ang bait. Sure akong magkakasundo kayo nun, Cleane. Lalo pa at magkapitbahay lang kayo," napahagikhik ng mahina si Nanay pagkatapos.

"Sana nga ho, Nay. At sabi niyo din naman po eh mabait siya. Madali lang naman ho siguro siyang pakisamahan.”

“Sigurado ako, anak,” sabay haplos ni Nanay sa likod ko. “Oh nakapag hapunan na ba kayo?"

"Maghahapunan pa lang po, Nay," sagot ko.

"Sama ho kayo samin?" tanong ni Kuya.

At tumango naman ako. "Opo, Nay. Sama ho kayo."

Umiiling siya habang nakangiti. "Gustuhin ko man, mga anak, pero may gagawin pa kasi ako. Next time nalang ha."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Sige po, Nay. Next time po ha. Tatandaan ho namin 'yan." Mukhang gumagawa at si Kuya ng verbal contract.

Napatawa si Nanay nang mahina habang tumatango. "Oo, oo, Def. Oh, sige na.Maghapunan na kayo. Ingat kayo sa labas ha."

Nagpaalam na kami kay Nanay at sumakay sa elevator pababa. Sumakay na din kami sa sasakyan ni Kuya para puntahan ang carenderia na sinuggest niya kanina na mayroon daw na pinakamasarap na chicken curry sa Kalibo. Hmmm, pero syempre, wala pa ring mas sasarap sa luto ni Mama.

Tama nga si Kuya. Ang sarap nga nun. Satisfied na satisfied ako at come to think of it, affordable pa ang presyo. Sigurado ako’ng makakabalik kami dito.

Pagkatapos ay bumalik na kami sa apartment. Dahil nasa room 202 siya ay nauna na siyang pumasok sa kwarto niya. Nakapag-good night na din kami sa isa’t isa at nagyakapan bago pa ‘ko sumakay ulit sa elevator para makarating sa fourth floor.

Huminto na ang elevator at bumukas—senyas para makalabas na ‘ko. Habang naglalakad ako papalapit sa kwarto ko ay napansin ko ang lalaking naka-itim na nakayuko sa tabi ng pinto. Naglagay yata siya ng bag ng basura. Mukhang basa na rin siya ng pawis. Pagod na ata ‘to sa pag-ayos ng kwarto niya. Sana nakabalik kami nang mas maaga para natulungan ko siya.

Nang tumayo na siya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko na halos nakalimutan ko nang huminga at hindi ko yata magalaw katawan ko.
Bakit siya andito? P-Papaanong andito din siya?

Gusto ko’ng tumakbo, gusto ko’ng makapasok agad sa kwarto ko ngunit parang hindi yata ako makalakad. Ba’t ngayon pa napako mga paa ko kung kelan kailangan ko nang tumakbo?
Tumayo na siya at humarap sa pinto ng kwarto niya. Iniabot na ng kamay niya ang knob ng pinto nang mapahinto siya.

“Pasok ka na, Gelo!” sigaw ko sa isip ko.

Imbis na hawakan ang door knob at ipihit ay lumingon siya sa’kin at tinawag ang pangalan ko. Napapaatras naman ako at halos napipigilan ko na ang paghinga ko habang lumalakad si Gelo papalapit sa’kin.

When he turns and sees me, his face seems to brighten up. Habang ako? Hindi ko alam anong gagawin ko!
"A-a-ano'ng ginagawa mo dito? P-part time ka ba dito? Anak ka ba ni Nanay Langga? Ba't nandiyan ka sa loob galing? Nagtatrabaho ka ba para sa tenant diyan? Bakit. . ." umaatras ako nang mabagal habang nagsasalita ngunit napahinto ako nang nailagay niya ang kanyang daliri sa mga labi ko para patahimikin ako. Sinisilip ng mga mata ko ang daliri niya sa mga labi ko at bumalik din ulit ang tingin ko sa kanya.

"Shhhh," nakanguso siyang nakatingin sa mga labi ko. Pagkatapos ay tumingin siya diretso sa mga mata ko at kumindat. Dahil dun ay halos huminto na sa pagtibok ang puso ko. Nararamdaman ko ring nanlalamig ang mga kamay ko ngunit nagpapawis ang batok ko. Ano ‘to?

"Kalma lang, Cleane. Hindi ako nagpa-part time dito. Ako. . ."

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now