Chapter 2

13 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


< CLEANE XYZ >

“Eto na apartment building natin, bunso,” ani Kuya nang ihinto niya ang sasakyan sa harap ng isang mataas at malaking gusali.

“Fam Reyes Apartment,” bulong kong pagbasa sa pangalan na naka print sa tarpaulin na nakasabit sa harap ng terrace ng gusali.

Habang ‘di ko pa nakikita ang kabuuan ng gusali ay napanganga na agad ako sa laki nito. Pagkatapos ay lumabas na kami ni Kuya sa sasakyan at kinuha ang mga gamit sa backseat.

Lalaki na yata muscles ko neto sa braso kakabitbit ng mga bag ko. Sinabi naman sa’kin ni Kuya na siya na’ng magbubuhat ng mga bag ko pero hindi ko naman pwedeng iasa sa kanya pati bag ko kasi may dinadala din naman siya.

Grabe naman kasi talaga dinala ko’ng mga gamit. Halos buong kwarto ko, nadala ko na eh.

Halos maubusan ako ng hininga nang maibaba ko na ang aking mga gamit— pati ang Pikachu plushy ko— sa harap ng daanan papasok sa building.

“Good morning, mga anak,” pagbati sa amin ng hindi katangkarang babae nang marahan at malambing. Medyo maputi ang kanyang kutis, kulot and buhok at nakatali ng bun, medyo mataba, medyo may kasingkitan, hindi din katangusan ang ilong ngunit mapula ang mga labi. Maayos ang kanyang suot na mahabang damit na abot hanggang kanyang tuhod. Sa palagay ko’y nasa forty na ang kanyang edad at mapayapa ang kanyang ngiti—gaya ng kay Mama. Namimiss ko na kaagad si Mama.

Binati naman namin siya pabalik ngunit sa mas mababang energy. Napatingin ako kay Kuya at komportable siyang nakangiti sa babae.

“Siya na ba ‘yung kapatid mo, Def? Ang poging binata. Ang ganda ng kutis. . . parang sa labanos,” saad ng babae nang medyo mas mataas ang tono kumpara sa kanina habang nakatingin sa akin nang may ngiti sa kanyang mga labi.

“Opo, Nanay Langga. Siya nga ho pala si Cleane Xyz. Bunso at baby namin sa bahay,” sagot ni Kuya habang lumapit pa sa’kin at inakbayan ako. Dahil dun ay bahagya akong napayuko para maitago ang aking mukha.

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now