Chapter 9

12 1 0
                                    

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.


< CLEANE XYZ >

"Good day, our most valued customers. Welcome to Vistra Cleane Cafe and Resto. What are your orders po?" maliwanag na ngiti ang bungad sa amin ng matangkad na lalaki, suot ang dilaw na polo at cap na Pikachu ang design.

Si Kitty ang unang mag-o-order at napansin kong tila kumikinang ata ang mga mata ng lalaki.

Bahagyang napatingala si Kitty upang mamili ng kanyang o-orderin sa menu, "I'd like a Jasmine Rain hot tea and Tuna Sandwich po, Kuya Kennedy."

Kumunot ata ng bahagya ang mga kilay ng lalaki. "K-kilala niyo ko?" nanlalaki ang kanyang mga mata sabay turo sa kanyang sarili.

"Hindi po personally pero, 'yan po kasi nakasulat sa tag niyo," sagot ni Kitty nang marahan sabay turo na rin sa dibdib ni Kuya Kennedy.

Napasilip siya bigla sa name tag sa dibdib niya at bumalik ulit ang tingin sa’min habang kinakamot ang ulo. Medyo napapatawa na din siya nang konti. "Oo nga pala."

Dinig kong napatawa din nang mahina si Kitty. Nasa likod niya lang kasi kaming tatlo.

"Ok po. One order of Jasmine Rain hot tea and Tuna Sandwich. Is that all po?"

"Mhhmmm, at ahh, may order din po mga kaibigan ko.” At umatras si Kitty para magbigay daan kay Yvan.
Nakapag-order na kaming lahat at pagkatapos ay binigyan kami ni Kuya Kennedy ng isang Pokemon card na may number 34. Ipapakita lang daw namin ito sa maghahatid mamaya para makuha namin yung order.

Habang naghihintay kami sa bean bags section ay busy si Kitty sa kanyang cell phone na katabi si Kurt habang kaming tatlo ay tahimik lang.

Maya-maya pa’y sinimulan ni Yvan ang usapan. Narinig ko ang buntong-hininga niya bago siya magsalita.

"Alam mo, Kitty, may napapansin ako kay Kuya Kennedy kanina eh."

Nag-hum lamang si Kitty bilang tugon ngunit nasa cell phone niya pa rin ang kanyang atenyon. Napapansin ko ring unti-unting tumataas ang isang dulo ng kanyang bibig.

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ