Chapter 28

9 1 0
                                    

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

< CLEANE XYZ >

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


< CLEANE XYZ >

I think I must be going nuts. Crazy. Crazy in love, like how Beyonce describes it. Nahuhulog na 'ko nang malalim. Ulit. Pero ngayon na ba ang tamang oras para sabihin ko sa kanya na pumapayag na 'kong maging boyfriend niya?

I groan as I lay spreading my arms and legs on my bed. Then I sigh. Hindi rin talaga ako sigurado sa gagawin ko. Ayoko din kasing mapunta ulit ako sa failed relationship.

Hindi ko na kasi alam kung makakaya ko pang magising isang araw na durog na durog ulit ako dahil sa taong minahal ko nang totoo. Sigurado na rin naman ako kay Gelo, diba?

Pero masyado siyang pogi, sikat at mayaman. Paano kung sabihin nila na kaya ko lang minahal si Gelo ay dahil sa yaman niya? Paano kung ikasisira 'to ng pagkatao ko?

Pero, mahal ko si Gelo. Matagal ko nang gustong mangyari 'to. Ngayon pa ba ako aatras?

Mukhang mapagkatitiwalaan ko naman siyang hindi niya ako lolokohin diba?

Okay. Nakakapag-isip-isip na 'ko. Napanood ko na 'to sa maraming series at movies eh. Siguro, it will work for me, too.

Agad akong tumayo at pumunta sa study table ko. Umupo at tsaka kumuha ng green strip of paper.
God, sana ho ehh mabigyan Niyo ho ako ng sign na hindi magiging failed ang magiging relationship namin.
Mag-iisip ho ako ng sign at Ikaw na ho ang bahala kung makikita ko o mangyayari ho 'yun, ha.

Okay, kailangan kong mag-isip ng bagay. Kailangan eh rare dapat. Yung hindi namin usually nakikita. Hmmm, pero ano?

Habang nag-iisip ay kinakagat ko ang dulo ng ballpen ko.

Aaarrgghhh, hindi pa rin ako nakakaisip! Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mukha ko sa inis. At nang ibinaba ko na ang kamay ko ay nakita ko ang synthetic na mga bulaklak sa vase na katabi lang ng jar of stars ko.

Flowers? Tinutulungan niyo ho ba ako, G? Hmmm, okay. . . This is a good way to start. Nakangiti na 'ko pero agad naman 'yung nawala. Pero ano'ng klase ng bulaklak?

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن