Chapter 3

8 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


< CLEANE XYZ >

"Chichu, 'di na muna kita masasamahan papunta sa room mo ha. Pero sabay naman tayong pupunta sa Head of Academic Council office para kunin schedules natin. Then, punta ka na sa room na nakasulat dun ha. May number naman every door of the room kaya madaling mahanap. Okay?" saad ni Kuya habang naglalakad kami nang magkatabi palabas sa parking lot.

"Okay po, Kuya," sagot ko. "At, Kuya. . . Pwede po bang huwag mo muna akong tawaging Chichu in public?. . . Nahihiya kasi ako eh," marahan kong tanong kay Kuya habang nakatingala sa kanya.

Tumawa siya nang mahina at hinawakan ang ibabaw ng ulo ko. "Bakit naman bunso? Cute kaya nun. . . Pero sige. . . Naiintindihan ko. Basta huwag mo din akong tawaging Kuya Mochi in public ha. . . Deal?" at ibinababa niya din naman ang kanyang kamay.

Tumango ako sa kanya habang nakangiti, "Deal kuya."

Bago pa man kami makapasok sa mismong gate ng campus ay mababasa na sa tabi nito ang mga gintong bakal na bumubuo ng Atendelle Prima University, na nakadikit sa pader.

Ang gara naman talaga.

Tapos marami ring malalaking mga puno sa kabilang bahagi nitong pader. Mayroon ding mga streetfood vendors na nakahilera sa tabi ng daan.

Andami na ding mga estudyanteng pumapasok na halos lahat ay naka civilian attire lang—shirts, sweatshirts, hoodie at nakapants lang. Kagaya ko. Sa first two weeks raw kasi ng school eh pwedeng mag-civilian muna lahat. Pero, pagkatapos ng two weeks eh required na ang lahat na mag-uniform.

Pero may naka-uniform din naman ngayon—mga lalaking naka inner white polo, blue necktie, nakagray na coat na may logo ng Atendelle, ID na blue ang lace, black na pants at black shoes. At mga babaeng halos parehas lang ang pang-itaas sa lalaki pero naka-skirt na hanggang isang inch lang sa itaas ng tuhod, at black closed-shoes—ngunit iilan lang naman.

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now