Chapter 45

5 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

< CLEANE XYZ >

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


< CLEANE XYZ >

“Meron din ako niyan sa kwarto ko, Gelo,” marahan kong sabi kay Gelo habang nakaupo pa rin kami sa kama.

Ngumiti siya sa’kin na tila hindi siya nagulat. “I know, Bhe,” sagot niya na siyang ikinataka ko. “Sa halos gabi-gabi na pumupunta ako sa kwarto mo, nakita ko na ‘yun sa ibabaw ng study table mo.”

Halos mapa-face palm ako agad-agad dahil nakakalimutan ko palang itago sa closet ko ang jar bago ko pinapapasok si Gelo. Habang nakakagat ko ang ibaba kong labi ay narinig kong tumawa nang mahina si Gelo. Tila ibinalik ako nun sa wisyo ko and my head tilts acutely to the side. Somehow asking him why he’s laughing.

“What are your wishes about, Bhe? Is it about me?” Imbis na sagot ang makuha ko ay tanong pa ang itinugon sa’kin ni Gelo. Ibang klase ka talaga, Ginoong del Castillo.

Habang bahagyang nakapikit ang mga mata ko na tila nagbabanta na ayusin niya reaksyon niya sa sagot ko ay tumango ako nang marahan.

Bilang sagot niya ay napangisi siya sa’kin. Inilapag niya pagkatapos ang jar na hawak niya sa tabi and then he ruffles my hair.

It feels so comfortable and I feel a bit of relief from a bit of dizziness when he ruffles my hair. Napapapikit pa ‘ko dahil sa sarap ng pakiramdam ko.

“Masakit pa ulo mo nuh?” dinig kong tanong niya. Habang nakapikit pa rin at nira-ruffle niya pa rin ang buhok ko ay tumango ako bilang sagot.

“Hmmm,” I hear him hum. “So, uulitin mo pa ba ginawa mo kagabi?”

Napahiwi panguso ang ibaba kong labi at umiling ako bilang sagot ulit.

“So ano’ng sasabihin mo dahil pumuslit ka ng alcoholic drink sa grapejuice mo?” marahan niyang tanong.

Nakapikit pa rin akong sumagot. “Hindi niyo kasi ako pinayagan,” mahina kong pagkakasabi na halos pabulong na.

Narinig ko ang buntong-hininga niya. Hindi siguro ayun ang inaasahan niyang sasabihin ko. “Hindi ka talaga namin papayagan kasi baka mabilis kang malasing. . . At tama kami diba?” Tumango ako sa kanyang sinabi. “At hindi ‘yun ang hinihingi kong sagot sa’yo, Bhe.”

Alam ko na. Bumukas na ang mga mata ko at tumingin ako sa ibaba. “Sorry,” mahina ko pa rin sabi.

“Ano ulit ‘yun, Bhe?”

“Sorry.”

“Tingin ka sa mga mata ko, Bhe.” Itinigil na niya paghihimas sa buhok ko and he holds my chin so I’m facing him.

“Sorry,” I say softly while looking at his tempting eyes.

“Kulang.”

“Sorry, Bhe. Hindi ko na ‘yun uulitin.”

Ngumiti na siya at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Nararamdaman kong nang-init ako bigla sabay sa mabilis na pagtibok ng puso ko.

“Okay, I'll forgive you. But you must do something for me," he answers and gives a lustful smirk.

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now