Chapter 19

8 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

< CLEANE XYZ >

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


< CLEANE XYZ >

"Meet tayo Cleane sa Pastrana Park mamayang 8pm. Please? Gusto ko lang makipag-usap," chat sa'kin ni Joss.

Alam ko na agad kung ano ang gusto niyang pag-usapan kaya, I rejected his invitation. Pero, naging persistent siya. Gustong-gusto niya raw talagang makipagkita. Gustong-gusto niya raw talagang pag-usapan namin nang maayos ang lahat.

Huminga muna ako nang malalim, at nag-isip ng ilang minuto bago pumayag. Sana magiging maganda ang patutunguhan nito.

Nang makatapos na 'ko sa pag-aayos sa sarili ko ay nag-chat ako kay Kuya na pupunta ako ng Pastrana Park. Pero hindi ko sinabi na makikipagkita ako kay Joss dahil baka hindi pumayag 'yun. Nagreply siya na sasama raw siya sa'kin pero sinabi kong huwag na. Kaya ko naman na sarili ko.

"Sasamahan ka ba ni Gelo?" tanong ni Kuya.

"Hindi po, Kuya."

"Pasama ka na lang sa kanya kung hindi ako ang sasama sa'yo, Chichu."

Ganun ba talaga kalaki tiwala mo sa kanya, Kuya? Hindi ako makapaniwala sa reply ni Kuya. Seryoso ho ba?

"Kailangan ko lang makasigurado na safe ka, Chichu lalo at gabi pa ngayon," dagdag niya.

"Pero kaya ko naman sarili ko, Kuya. . ." I replied, whining as I encode the message.

"Sasamahan ka ni Gelo, Chichu o hindi ka pupunta? :)" isinama niya pa talaga ang smiling emoji sa reply niya. Kakaiba na 'to Kuya ahh. Kuya naman ehh. . . Ba't niyo ho ba ko pinapahirapan?

Huminga ako nang malalim bago ako nakapag-type. "Ok po, Kuya. . . Isasama ko na po si Gelo."

"Nice one, Chichu!" ba't ko ba naririnig boses ni Kuya sa mga chat niya? Haaayyy. . . In-off ko na phone ko at tsaka naglakad sa pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil bumungad sa'kin si Gelo na naka-itim na sweatshirt, may manipis na silver na kwentas at mukhang bagong ligo, na nakasandal sa pader sa tapat ng pinto ko habang naka crossed-arms.

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now