Chapter 5

13 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

< CLEANE XYZ >

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

< CLEANE XYZ >

“Saan niyo gustong kumain at tumambay?” tanong ni Yvan habang inaayos namin ang aming mga gamit sa bag.

Natapos na kasi ang una naming klase at vacant time na namin ang susunod na isang oras at kalahati.

“Library?” pagsa-suggest ko.

"Hmmm, next time na lang siguro, bebeboi kasi. . . uhmm, gusto ko munang mabisita mo ang ibang places dito sa school," sagot ni Kitty nang matapos na niyang isarado ang bag niya.

Tumango naman si Yvan. "Tama si Kitty, Cleane. As your new friend, duty namin 'yun para sa'yo."

Na-touch naman ako sa kanila. Ganito pala talaga sila mag-alaga ng kaibigan. Ang swerte ko naman sa kanila.

Napangiti ako sa kanila ngunit medyo nahihiya. "Sige, sige. Saan muna tayo pupunta?" tanong ko nang mas mataas na ngayon ang tono.

"Pwede ba 'kong sumama sa inyo?" napalingon ako kay Kurt.

"But if you guys feel uncomfortable yet, then I won't insist," dagdag nito nang pinipilit ang ngiti habang hawak ng isa niyang kamay ang isang strap ng bag niya na naisuot niya sa likod.

"Pa sadboy epek ka naman diyan Kurt,” napaharap ulit ako kay Kitty. “Ano ba. . . Syempre, pwedeng-pwede kang sumama," pagpapatuloy nito. "Diba guys?"

Napatingin ulit kami kay Kurt at mas sincere na ang kanyang mga ngiti.

"Syempre naman, Kurt. At natural lang naman 'yung 'di tayo komportable sa bawat isa sa simula. Soon as we get to know one another ehh bardagulan na 'to sa topak," dinig kong sabi ni Yvan.

"Ehh ikaw, Cleane? Ok lang sa'yo?" tanong niya sa’kin nang bahagyang nakaangat ang kanyang mga kilay.

"Oo naman. Mas okay ‘yun kesa mag-isa ka lang," sabi ko at napangiti ako sa kanya.

Ngumiti din siya pabalik ngunit ang sa kanya ay abot hanggang tenga. Tila ring kumikinang ang kanyang mga mata at namumula ang kanyang ilong sa pagngisi.

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) Where stories live. Discover now