Chapter 40

10 2 1
                                    

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

< CLEANE XYZ >

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.


< CLEANE XYZ >

Tinotohanan nga nila ang party para i-celebrate ang pagkapanalo nila. At ngayon ay naghahanda na ‘ko para dun.

Sinamahan na rin naman ako ni Gelo kanina para magpaalam kay Kuya tungkol sa pupuntahan at gagawin namin. And fortunately, pumayag naman siya. Wala na rin naman daw kasing pasok bukas, sabi ni Kuya.

At ang mas masaya pa eh inimbita niya na sumama si Kuya. Sigurado akong mas magiging masaya ‘to!

Nakapagpaalam na rin pala kami kay Nanay Langga tungkol dito. Sa una ay tila nagdadalawang-isip pa siya kung papayagan niya ba kami. Pero nang malaman niya na sasamahan kami ni Kuya ay pumayag na din naman siya.

Sinabihan niya rin naman kami na maging responsible at dapat alam namin ang aming mga limitasyon. Nangako naman kami sa kanya na hinding-hindi namin sisirain ang tiwala niya at hindi namin siya bibiguin.

Nakapagpasya na kaming tatlo na sumakay sa kotse ni Gelo papuntang Deity KTV Bar. Labinlimang minutong biyahe lang naman ang layo nito sa apartment namin.

Nang makarating na kami sa bar ay napamangha ako sa laki at liwanag nito. Nakapag-park na si Gelo sa tabi lang ng bar na ‘to at naglakad na patungo sa loob.

Sinabi ni Gelo na siya mismo ang pumili ng bar na ‘to dahil mayroon daw malawak na private room dito na kakasya sa’ming lahat.

Gusto niya rin daw kasi ang services dito pati na rin ang lugar pangkalahatan.

Hindi rin naman mahaba-haba ang nilakad namin bago kami tumigil sa harap ng isang pinto. May nakasulat ditong number 3 at mga paalala gaya ng “Be Responsible”.

Nang makapasok na kami ay bumungad sa’min sina Marcou, Xeian, Zyrone at Yvan na nakaupo na sa circular couch. Wala pa dito si Kitty. Baka on the way na siya.

Each of us takes our seats in a circular couch whose ends don’t meet to give space for the entrance and exit. There is a circular table at the center, too. Marcou, Xeian, Zyrone, Yvan, Gelo, me, and then Kuya is the seating arrangement.

(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING) Место, где живут истории. Откройте их для себя