< CLEANE XYZ >Katatapos lang ng flag ceremony noon at nakaupo na ko sa front row, yung malapit sa bintana at pintuan. Grade 8 ako.
Habang hinihintay naming dumating ang teacher namin sa room ay lumalakbay ang paningin ko sa labas. Marami pa rin talaga ang late. Sa dami ng mga estudyanteng late ay isang lalaking cute ang nakahatak ng atensyon ko.
Maya-maya pa’y napatingin din siya sa’kin at saka ko ibinaling ang tingin ko sa greenboard sa tapat ko lang. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at sinusubukang ibalik ang normal kong paghinga.
Simula nung araw na ‘yun ay walang lumipas na araw na hindi siya nakipag-usap sa’kin, either sa messenger o personal. At, nalaman ko na din ang pangalan niya—Joss Martin Natividad.
Nahihiya pa talaga ako nun na makipag-usap sa kanya pero habang lumilipas ang araw eh nagiging komportable na din ako sa kanya.
Mas bata siya sa’kin ng isang taon pero ang confidence niya, kakaiba. Marami ding mga babae at binabae ang tumitili sa kanya para mabigyan niya ng atensyon pero tila wala siyang pakialam. Siguro nga’y seryoso siya sa pag-aaral at doon lang nakatuon ang isip niya.Pero makalipas ang isang taon ay inamin niya ang nararamdaman niya para sa’kin at nagsimula siyang ligawan ako. Pero sinagot kong hindi pa ‘ko handa sa commitment at may ibang tinitibok ang puso ko.
YOU ARE READING
(BL) A JAR OF STARS (ON-GOING)
Romance"CAN WISHES WRITTEN ON THE STARS COME TRUE?" Cleane Xyz Cortez is a reserved person, likes to eat foods, and loves the Sad Song by We The Kings, but an overthinker, and writes his wishes in origami stars and store them in a jar since elementary. Whe...