Chapter 18 - Welcome Back

1 0 0
                                    

-NICHOLAS POV-


Tulala ako ngayon at wala sa wisyo. Kaharap ko ngayon ang babaeng minahal ko pero in iwan ako. Nakangiti lang siya sakin habang ako naiilang sa kaniya. Nasa apartment kami ngayon, pinapasok ko muna siya sa loob dahil gabi na rin. Wala pa kaming kahit na anong napag-uusapan, hindi ko alam kung maiiyak ba ko dahil ang dami kong tanong na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot.

"k-kamusta ka?"  hindi maayos na pagkakasabi niya sa mukha ko.

Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Ayos nga lang ba ko? Okay nga lang ba ko?  Hanggang ngayon parin kasi nagtataka ako kung bakit nasa harapan ko siya ngayon.

"B-bakit?"   pinipigilan ko ang luha ko dahil naaalala ko nanaman ang nangyari dati.   "Bakit m-mo ko I-iniwan? Bakit–   this time tumulo na ang luha ko dahil hindi na kinaya ng emosyon ko.

"I'm sorry love, hind–

"Sana panaginip na lang ito no? Dala lang siguro ng pagod ko kaya kita kaharap ngayon"  putol ko sa kaniya.

Nangingibabaw sa katawan ko ang galit at lungkot na nararamdaman ko. Gusto ko siyang itaboy para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko pero ang hirap.

"No, hindi ito panaginip nick, totoo ito, kaharap mo k–

"Bakit ka pa kasi bumalik?.... Ha?"   tanong ko sa kaniya na kinayuko niya.
"Well, magpatila ka muna ng ulan dito, then tomorrow morning, ayoko nang makita yung pagmumukha mo"   seryoso kong sinabi sa kaniya. Tumayo ako at pumuntang kwarto sabay ibinaksak ang pinto.

Galit ang nasa loob ng katawan ko at kaunti na lamang ang lungkot dito.

Umupo ako ng kama at huminga ng malalim. Narinig ko pa ang hagulgol niya mula sa labas pero hindi ko ito pinansin, sinayang niya yung mga panahong kami pa, tapos ngayon babalik siya?.

************************************

(KINABUKASAN)

Nagising ako sa maingay kong alarm kaya agad akong tumayo mula sa higaan ko. Pumunta akong banyo at sa pagpasok ko ay may naamoy akong mabango. Halos kumulo ang tiyan ko dahil dito. Agad akong lumabas ng kwarto at pumuntang sala.

Nakita ko si leah na nagluluto ng tuyo kasabay ng kanin na Malapit nang maluto Humarap siya sakin at binigyan ako ng nakakabaliw na ngiti.

"Good morning, may work ka pa hindi ba? Halika na, maluluto na–

"Diba sabi ko sayo umalis ka na"   putol ko sa kaniya.

"Paalis naman na talaga ako, naalala ko lang kasi na, hindi ka sanay na nag-aalmusal tuwing umaga.... Halika na, kain ka na muna"   nilapag niya ang napaka bangong tuyo at sinamahan pa ito ng may suka na puno ng bawang. Hindi ko maiwasang matakam sa luto niya.

"Okay fine, pero pagtapos nito umalis ka na ha?"   umupo ako sa harapan niya at nakita ko ang pagngiti niya.  "Why are you smiling?"   seryoso kong tanong sa kaniya kaya nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Wala, I'm just happy"   bulong niya na narinig ko pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

Ilang minuto ang nakalipas at tapos narin kami kumain, well, dating gawi, tatawagan ko nanaman si klyde para gisingin.

The Farewell Letter (Part 1)Where stories live. Discover now