Chapter 12 - Rule No. 1

2 0 0
                                    

-NICHOLAS POV-

Isang oras ang nakakalipas nung nawalan ng malay si leah, binuhat ko siya ng buong lakas ko kahit may kabigatan siya.

Dinala ko siya sa bahay dahil no choice ako. Wala kasing tao ang bahay nila kaya wala na akong pagpipilian pa.

Alam ni papa na dinala ko si leah dito, daig pa niya yung magulang ni leah kung mag - alala.

Inasikaso namin siya habang walang malay. Halos tinanong din ako ni papa kung anong nangyari sa kaniya pero wala akong mabigay na sagot dahil wala rin akong idea.

Nang maasikaso namin siya ay lumabas muna ako ng kwarto ko at tumulong kay papa para sa tanghalian.

"Bakit ba kasi nagka ganun si leah? Wala ka ba talagang idea?" tanong pa ni papa habang naghahalo ng ulam.

"No idea pa, nag banyo kasi siya kanina then bumalik siya tapos na yung klase" saad ko habang si papa ay nakatingin lang at nag aantay sa susunod na sasabihin.

"At? Yun lang?" huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Bumalik siya sa room ng namumutla, parang pagod na pagod na ewan, basta hanggang dun lang alam ko" saad ko na kinatango niya naman.

Parehas kaming walang alam ni papa kung ano nga ba talagang nangyari kay leah.

Wala rin kaming balak tanungin si leah dahil baka personal problem kaya siya nagka-ganun?

************************************

Handa na ang pagkain at ang tao na lang ang hinihintay.

Pumasok na akong kwarto upang gisingin na si leah dahil masyadong napahaba ang tulog niya.

"Leah? Huy! Wakey, wakey" kinalabit ko siya ng kinalabit hanggang sa magising siya sa wisyo niya.

Bumangon siya ng paupo at mukhang masakit ang ulo dahil sa pag pikit nito.

"Kumain ka na muna, then inom ka na ng gamot para mawala yang sakit ng ulo mo" ngumiti ako sa kaniya habang siya ay nakaupo parin.

"Thank you" bulong niya na narinig ko naman.

Hindi ko na siya nilingon at lumabas na ng kwarto.

"Okay na?" salubong ni papa sakin mula sa hagdan.

"Opo, pababa na siguro siya" parehas kaming bumaba ni papa sa hagdan at umupo sa mesa. Wala pang ilang minuto nung bumaba na si leah.

"Hello po" bati niya habang bumababa ng hagdan.

"Maupo ka na leah at kumain" umupo kaming tatlo at nagsimula nang kumain.

"Sorry po sa istorbo kanina at...ngayon" mahiya hiya niya pang sinabi kaya nagkatinginan kami ni papa.

At dahil sa sinabi niyang iyon ay bumalot ng katahimikan ang hapag kainan.

"Sorry kasi dito kita dinala, wala kasing tao sa bahay nyo kanina at hanggang ngayon" putol ko sa katahimikan.

"Ano bang nangyari sayo leah? Bakit nagka ganun ka? Namumutla?" tanong ni papa.

The Farewell Letter (Part 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ