Chapter 14 - The Final Confession

1 0 0
                                    

-NICHOLAS POV-

Ilang linggo na ang nakakalipas at dumating na ang araw na ilang linggo din naming pinaghandaan. Araw araw kaming nag e - ensayo kaya kabisado na namin ang bawat step.

Mas naging close pa kami ni leah at wala narin kaming nararamdamang hiya sa isat-isa, parehas kaming komportable sa mga buhay namin.

Nag o - open din kami ng mga problema sa isat - isa, maliit man o malaki.

Papunta na akong school ngayon at naghahanda na para sa dance contest. May usapan din kami ni leah na susunduin niya ako kaya may agad na kumatok sa pinto.

"Palabas na!"  sigaw ko kahit hindi pa.

Agad akong nagmadali at siniguradong walang nakalimutan, nang maayos ko na ang lahat ay mabilis akong tumakbo patungong pinto.

Sa wakas.

"Ang tagal ha?"  pagtataray niya pa kaya hinatak ko na siya dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na.

************************************

Mabilis kaming dalawa nakarating sa school at bumungad samin ang maraming tao na nagaabang sa stage. Ang iba todo paghahanda dahil sa pag e-ensayo nila.

Marami nang nangyari nung makalipas ng ilang linggo. Ang partner ngayon ni klyde ay si kim, habang si Kristine ay ibang section ang partner, si Michelle ay naka partner ang isa ring famous kagaya niya. Bagay naman sila.

Alam narin ni klyde ang mga plano ko ngayon araw. Alam niya rin kung sino ang gugulatin ko sa pasabog na ito. Parehas kami ng gusto ni klyde, yun ay sana tanggapin ng babae ang panliligaw ko.

"Handa ka na ba para sa pasabog mamaya?"  salubong ni klyde samin kaya ngumiti lang ako.

Kinakabahan pa kasi ako dahil natatakot ako na baka i-reject ako ng taong yun. Sana hindi.

"Oo nga pala, ngayon pala yung Confession mo no? Congrats!"  bati ni Kim sakin kaya nagpasalamat ako.

Alam narin ni Kim ang plano ko kaya excited sila para sakin pero ako? Hindi.

"Ahh...n-ngayon p-pala, Goodluck" utal utal pang bati ni Leah sakin kaya nagpasalamat ako.

"Thank you, sya nga pala, nakapaghanda na ba kayo?"  tanong ko na kinatango naman nila.

"Nick!"  sigaw ng nasa likod ko kaya napalingon kami.

Nakita ko si Michelle na naglalakad patungo samin at kasama ang partner niya.

"Hoy, goodluck mamaya ah? Wag kang kakabahan, mag co-confess ka lang naman eh"   ngumisi ako sa kaniya. Actually tama siya eh, confess lang naman gagawin ko, pero ewan ko, iba yung kaba ko ngayon eh.

"Syempre! Ako pa ba? Baka bad boy style ito"   pagyayabang ko na kinatawa naman nila.

"Ikaw leah? Ready ka na ba sa Confession mamaya?"  tanong ni klyde sa kaniya. Hindi agad siya nakasagot, tulala siya, kanina pa siya wala sa mood nung pumunta kami dito.

The Farewell Letter (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon