Chapter 5 - Request

19 3 0
                                    

-NICHOLAS POV-

"Hoy gumising ka na dyan" kalabit ko.

Nasa bahay namin siya dahil tulad ng sinabi niya wag ko muna siya iuwi sa kanila. At sinunod ko naman.

"Bakit?" tanong niya.

"Dati ka bang baliw? Bumangon ka na dyan timang" sabay alis.

Nasa kwarto ko siya dahil ayoko siyang iuwi sa kanila at baka mapagkamalan pa kong kasintahan niya.

"Asan ako?" sabay libot ng mga mata habang nakasunod sakin.

"Bulag ka ba? Malamang nasa bahay ka namin, tsaka isa pa magayos ka na, may laway ka pa sa gilid ng bibig mo oh, magtoothbrush ka nga, nakakadiri ka!" asar ko pa.

Ramdam ko ang paghinga niya na senyales ng pagamoy ng kaniyang hininga.

"Mabango naman ah? Amoyin mo" sabay abot ng kamay mukha ko.

"Ano ba?! Eww!!"

Tumakbo ako dahil panay habol niya sakin habang ang kamay nakataas parin upang ipaamoy sakin.

"Dali na!"

"Isa! Wala ka sa bahay nyo kaya wag kang magbaboy!" sigaw ko.

"Hindi ako baboy!"

"Baboy ka tanga! Ewww!!" sabay takbo.

"Hindi nga ako baboy!" sigaw niya.

Sa pagtakbo niya ng mabilis ay naabutan niya ko at kahit siya ay hingal din.

Pinapaamoy niya sakin yung kamay niya pero agad kong napigilan ang kaniyang kamay na kinatahimik naming dalawa.

"Aba! May nililigawan na ba ang anak ko?" tinig ng nasa pinto.

Agad kaming naghiwalay at humarap kung sino man iyon.

"Pa?"

Hindi ko pa masyadong nakilala si papa dahil medyo ayos siya ngayon.

"Ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ko.

"Bakit? Dito ako nakatira eh." sabay lapag ng bag niya.

"Hello po, ako po si Leah future magulang nyo po hehe" singgit naman niya.

May kakapalan din pala ang mukha nitong babaeng ito. Hindi na nahiya.

"Ikaw yung bagong lipat diba?" tanong ni papa.

Bakit kaylangan tanungin, kaylangan ba talagang detalye ang lahat?

"Opo, pero correction lang po, bagong magulang nyo po" sabay ngiti nito.

"Wag ka ngang feeling dyan. Hindi nga tayo close eh." saad ko.

"Sus! Eh bakit dinala mo ko dito? Baka nga ikaw pa unang magkagusto sakin eh" pagmamayabang niya.

Ang kapal talaga ng mukha!

"I like you huh" sabay singgit ni papa.

The Farewell Letter (Part 1)Where stories live. Discover now