Chapter 4 - Pasan

19 3 0
                                    

-NICHOLAS POV-

Agad akong nagising sa katotohanan nung nagsalita muli si leah.

Ano bang nangyayari sakin?

"Tara kain na tayo" aya niya.

"Mauna ka na muna. Magbabanyo lang ako" saad ko.

Agad naman siyang tumango na parang bata at mabilis na lumabas sa room.

Sa pagalis niya at natulala ako. Hindi dapat kasi iyon ang nangyari kanina. Dapat nagalit ako sa kanya dahil ayoko ngang hinahawakan ako lalo na kung babae.

So ewww...

"Bakit nandito ka pa?" tanong ng pamilyar na boses.

Agad akong lumingon upang malaman kung sino iyon ngunit laking gulat ko ng makita si Michelle.

"Okay ka lang?" tanong niya pa.

Si Michelle, siya yung ultimate crush ng bayan. Siya rin yung crush namin ni klyde pero hindi niya alam.

"Ah.. Hindi. Wala.. Aalis na nga eh, oo.. Paalis na, hehe. Sige bye!" pagtakas ko.

Alam kong bastos pero no choice ako eh. Kaylangan kong umiwas para hindi siya makahalata.

Agad naman akong sumunod kay leah upang makatakas sa kaba.

(Canteen)

"Oh, bakit pawis na pawis ka?" tanong ni Kim.

"Ah.. Wala" pagtanggi ko.

"Ayan na yung pagkain mo, kumain ka ng mabuti para may energy ka mamaya, ha nick?" saad niya.

Kaylangan ko kumain dahil siguradong gaganti siya sakin. Iyon kasi ang lagi niyang sinasabi kapag may nagawa ako sa kaniyang hindi maganda.

"Okay ka na?" tanong ni leah.

"Tumigil ka nga sa kakatanong mo, hindi tayo close, okay?" pagtataray ko.

"Hoy! Bakit ka naninigaw ng babae? Gusto mo pumanaw ng maaga?" pagsita ni kim.

"Nakakainis kasi. Ang hilig magtanong, ang hilig dumikit, wala ka bang friends?" saad ko habang busy sa pagkain.

"Wala eh. Bago lang kasi ako dito, wag kang magalala, kapag may mga kaybigan na ko, hindi na kita kakausapin." saad niya.

Natahimik ako kasi parang may laman ang bawat salitang binitawan niya.

Ano bang problema niya?

"Char!! Ikaw nga lang gusto ko eh, yung iba kasi hindi ko tipo" bulong niya pa kahit narinig namin.

Tumayo ang balahibo ko nung sinabi niya iyon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote niya para sabihin iyon.

"Ayun naman pala eh! May pagasa ba nick?" biglaang tanong ni klyde.

Mukhang gumaganti si Klyde nung sinabi niya iyon at dahil din nakita ko siyang ngumisi.

The Farewell Letter (Part 1)Where stories live. Discover now