Chapter 11 - The Issue

2 0 0
                                    

-NICHOLAS POV-

"You can guys take your break, see you tomorrow!" lumabas siya ng klase namin.

"Yown! Makakakain narin, nick? Tara?" aya ni klyde sakin.

Kasama niya si Kristine at si kim. Gusto ko sanang sumama sa kanila kaso may ensayo pa kami.

"Ikaw ba leah? Sama ka?" singgit ni Kristine na may kasamang plastik na ngiti.

"Ahh-

"Sure! Sasama yan syempre, diba leah?" pinanlakihan ko siya ng mata upang maging senyales na sumama siya.

"Act-

"Tara na, nick?" sumenyas si klyde sakin.

Inayos ko na ang gamit ko at ramdam kong nasa akin ang mata ni leah. Sinabi ko kasi sa kaniya na mag e-ensayo kami pagkatapos ng klase. Pero hindi nangyari.

Lumabas na kami ng room at naglakad patungong canteen.

Habang naglalakad kami ay kapansin pansin ang mga tao na sa amin ang tingin. Halos lahat kami ay nagtataka.

"Nick? Napupuwing lang ako diba? Check mo nga" balak pa sanang lumapit ni klyde pero hinarang ko ang isa kong kamay.

"Parehas tayo ng nakikita klyde. Hindi ako pwedeng magkamali." agad siyang umatras at pumunta sa lalaking nakatayo.

"Ano bang meron?" tanong ni leah habang ang mata ay nasa tao.

"Baka fake news" napatingin naman kami kay Kristine nung nagsalita siya.

Pinuntahan namin si klyde at ganun parin ang posisyon niya. Nakatayo sa harap ng lalaki at mukhang nakiki tsismis pa.

Nang makalapit kami ay may tinitignan siya sa cellphone ng lalaki at halatang nagulat siya.

"Ano meron?" tanong ko mula sa likod ni klyde.

"Nick" inabot niya sakin ang cellphone ng lalaki at nakita ko ang litrato namin ni leah.

Issue.

"Ano bang meron?" tanong naman ni leah na ramdam kong papalapit siya.

Nakita niya ang litrato na biglang kinatahimik niya. Alam niya kung sino yun. At kaming dalawa yun. Sa rooftop.

"Oh, mukhang nai issue kayo huh" singgit ni Kristine samin.

"Kaya pala may parang flash na sumagi sa paligi-

"Nakita mo rin yon?" putol ni Leah sakin.

Nung nasa rooftop kasi kami ay may naaninag kaming ilaw na parang camera ang gamit at hindi nga ako nagkamali.

Patuloy kaming naglakad habang ang mata ng mga estudyante ay hindi naaalis samin.

"Ano ba kasing ginagawa nyo don sa rooftop?" tanong ni Kristine na kinatingin naming dalawa ni leah.

Next question please?

"Practice, diba nick?" tumingin siya sakin at sumesenyas sakin.

"Yap. Fake news naman yan"  nagsi tanguan naman sila nung sinabi ko iyon.

"Bakit kasi nasa rooftop kayo? Pwede naman sa court, hindi ba?"   singgit ni klyde na kinainom ko ng tubig.

The Farewell Letter (Part 1)Where stories live. Discover now