Chapter 17 - Time Machine

1 0 0
                                    

-NICHOLAS POV-

Lunes na ngayon at iba ang simoy ng hangin, at dahil araw ng lunes ay araw ng pagtratrabaho.

Nagtratrabaho ako sa isang kompanya bilang sekretarya, maayos naman ang sagot ko kaya kinaya ko naman.

Nagbibihis na ako patungong trabaho ko at tinawagan si klyde.

(PHONE CALL)

"Yes, hello?"

Klyde! Wag mong sabihin kakagising mo lang?!

"Pano mo nalaman, woah! Manghuhula ka pala ah?

Klyde hindi ako nakikipagbiruan! Bumangon ka na dyan.

"Oo na! Wait mo ko sa tambayan"

Bilisan mo ah?!

"Copy bossing"

(END CALL)

Nagtratrabaho kami ni klyde sa iisang kompanya habang ang tatlong babae ay may kaniya kaniyang ginagawa.

Lumabas na ko ng bahay at nilock ang pinto, sa apartment lang naman ako nakatira, pansamantala.

Naglalakad akong papuntang tambayan para hintayin si klyde. Hanggang ngayon parin kasi ay hindi naaalis sa isip ko yung sinasabi ni kim kahapon.

Pumasok ako sa chocolate Station at umorder ng chocolate ice cream. Ilang minuto lang naman ang nakamalipas nang makarating yung order ko.

Sa pag abot sakin ay tsaka umupo yung babae sa harapan ko.

"Ano?"   mahinahon kong tanong sa kaniya.

"Magisa ka nanaman?"  tanong niya kaya binitawan ko yung mangkok na hawak ko.

"No, waiting sa tropa ko"   tumango siya at ngumiti sakin.

"Sorry kung itatanong ko sayo ito ah? Pero hindi ako tsismosa okay?...  Tumango ako kaya nag patuloy siya. ..."Sino si leah? Narinig ko kasing pinag uusapan nyo siya kahapon, curious lang naman ako, pero kung a–

"The love of my life, My first girlfriend"  mabilis kong putol sa kaniya kaya tumango siya.

"Bakit kayo nag break? Parents problem ba?"   tanong niya kaya natawa na ko.

"Akala ko ba hindi ka tsismosa? Daig mo pa si marites kung magtanong ah"  saad ko sa kaniya kaya natahimik siya.

Lumingon ako sa labas at kita kong nakatayo si klyde sa poste. Agad akong nagpaalam at ibinigay sa kaniya ang ice cream na inorder ko, hindi ko kasi ito nagalaw o nabawasan ng kaunti.

Agad akong lumabas nang inabot ko na sa kaniya yung inorder ko.

"Aba! Mukhang napapadalas ata yung paguusap nyo ni girl huh? Balak mo na bang mag confess huh?"  sunod sunod na tanong niya.

"Confess mo mukha mo, tsaka hello! Mala late na tayo abnormal ka" agad kaming nagmadali sa paglalakad.

************************************

Nakarating kami sa work namin at dumeretso sa office namin. Magkalapit lang kami ng office ni klyde kaya pwede ko siyang puntahan kapag oras na ng kainan.

The Farewell Letter (Part 1)Where stories live. Discover now