Chapter 13 - The Bad Boy Style

2 0 0
                                    

-NICHOLAS POV-

"Goodbye class" paalam ni maam at lumabas na ng room.

Nagaayos ako ng gamit para sa susunod na subject na dadating.

"Saan ka galing kanina?" tanong ni leah sa tabi ko ngunit hindi ko na siya nalingon dahil inaasikaso ko yung gamit ko.

"Ayun mukhang dating gawi sa papa nick namin" singgit ni klyde kaya sinamaan ko siya ng tingin na bigla niyang kinatahimik.

"Ha?" pagtataka pa ni leah.

"Ah wala, wag mong pansinin yan si klyde, hindi kasi nakainom ng gamot eh hehe" tumawa ako ng plastik para hindi na mapagpatuloy ang usapan na dapat ay itigil na.

"Naku, wag kang maniwal-

"Klyde!" sigaw ko na kinatahimik niya.

Hindi lang siya ang tumahimik kundi pati ang buong tao sa room ay napabaling ang atensyon samin.

"Sorry" nag peace sign ako dahil nakaramdam ako bigla ng hiya.

"Ang hilig kasing sumigaw" bulong pa ni klyde na narinig ko kaya binatukan ko siya at agad siyang nagreklamo.

"Aw! Masakit" reaksyon niya.

"Tumahimik nga kayo, saan ba kasi kayo galing kanina kaya kayo nalate?" nagkatinginan kami ni klyde dahil sa tanong niya kaya hindi agad kami nakasagot.

"Ahh...kasi..

"Wala, wala. Napasarap lang siguro yung pagiikot kaya kami nalate hehe" sa wakas. This time naging maayos na rin ang pinag sasabi niya.

"Ahh ganun ba? Sya nga pala klyde, may gusto ka ba kay kim?"  tanong ni leah na kinatawa ko kaya naramdaman kong siniko ako ni klyde.

"Sorry HAHAHHAHAHA ang funny mo naman masyado leah, manghuhula ka ba? HAHHAHAHAHHAHAHA"   humagalpak ang tawa ko kahit na ilang beses na akong siniko ni klyde.

"Mr. Nicholas bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa? Baka pwede mong ishare samin yan"   hindi ko namalayang dumating na pala si sir. Kaya pala sila natahimik at kaya pala ako sinisiko ng marami ni klyde. Nandyan na pala si sir.

"Sorry po sir, hindi ko po alam na–

"Na nandito ako?"  putol niya sakin. Napalunok ako ng ilang beses dahil baka pahiyain niya ako sa harap ng klase.

Sheeesh! Nakakahiya.

"Sorry po ulitagad akong umayos ng upo at deretsong tumingin sa kaniya.

"Anyway, let's start?"  paninimula ni sir kaya nawala ang kaba ko.

Muntikan na.

************************************

(BREAKTIME)

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang may humarang na mga babae. Agad ko naman sila namukaan dahil malapit ang mukha nila saking mga mata.

"Oh kayo pala"   ngumiti ako sa kanila na hindi kasama ang mata ko. I guess alam nila na hindi ako masayang makita sila.

"Sorry sa nangyari sa girlfriend mo, hindi na talaga mauulit"   naka close pa ang kamay niya at mukhang nagmamakaawa pa.

"Hindi ko alam kung ako ba dapat ang sabihan nyo niyan o yung sinaktan nyo?"  yumuko ang ulo nila kaya bumulong sakin si klyde.

"Patawarin mo na kasi"  imblis na  tumango ako ay tanggi ang sagot ko sa kaniya. Oo mapapatawad ko sila kung mapapatawad sila ng taong sinaktan nila. Wala sa akin ang desisyon, kundi na kay leah.

"Nick, en–

Natigil sa pagsasalita ang boses ni leah at nakatitig lang sa mga babae. Mukhang namumukaan niya, I guess?

"Mauna na ko nick, may lakad pa pala ako"  aalis na dapat siya pero napigilan ko ang pulsuhan niya.

"You want to apologize right? Bilisan nyo na, hanggat nandito pa siya"  seryoso akong tumingin sa mga babae at ang mukha ko ay seryoso kaya bigla nilang hinawakan ang kamay ni leah.

"Sorry sa nagawa namin nung nakaraan leah, hindi namin sinasadya."  paumanhin ng isa.

Lahat sila ay iisa lang ang sinasabi, nagmamakaawa. Si leah nagulat pa sa ginawa nila kaya inawat ko na ang mga babae.

"Okay na siguro yun no?.... Ano leah?"   tumingin sakin si leah at ngumiti.

Pinatayo niya yung mga babae na nakaluhod pa at nginitian niya.

"No need. Sapat na sakin yung na realize nyo na mali yung ginawa nyo"  pinaalis na ni leah ang babae at pinag breaktime na.

"Bakit bigla silang naging ganun? Nag sorry?"  Tanong pa ni leah pero tahimik lang ako para hindi niya malaman.

"Ikaw ba naman takutin eh, no choice ka talagahalos napatingin si leah kay klyde at nagtataka pa.

"Takutin? Anong

"Tinakot kasi ni boss nick yung mga babaeng yun para makapag sorry, but... In bad boy style!"  gusto kong sumabog sa harapan nila sa sobrang inis ko kay klyde. Hindi niya na mapigilan ang bibig niya.

"Bad Boy, Coooooooooooolll"   nagkatingan kami ni klyde at ngumiti pa na para bang parehas ang nasa iniisip namin.

"Gusto mo bang maging bad boy si boss nick?"  tanong pa ni klyde na agad naman hindi nakasagit si leah.

At dahil binalot kami ng katahimikan ay ako na ang gumawa ng paraan.

"Let's go na"  naglakad kaming dalawa ni klyde at bigla namang nagsalita si leah.

"Cool naman maging bad boy ni nick, pero mas magiging cool kung sino talaga siya. I don't need a bad boy style, I just need a real Nicholas"   ngumiti siya ng malawak at pati narin ang puso ko.

Siniko pa ko ni klyde pero hindi ako nagpatinag sa kilig ko. Sana lahat na lang ng babae, especially sa liligawan ko. Especially sa taong special sakin. After the dance contest, I will confess my feelings for her. I'm excited.

-TO BE CONTINUED- ❤️

Hi po, sana po hindi po kayo maboring hehe. You should guys add me at my Fb account and follow me of course. That's all thank you! 🥰 Sorry for wrong grammar, I'm just grade 11. Not good at English

The Farewell Letter (Part 1)Where stories live. Discover now