Chapter 9 - Contusion

5 1 0
                                    

-NICHOLAS POV-

Mabilis ang takbo ko ngayon patungo sa lugar kung saan dapat kami magkikita.

Sa pagtakbo ko ay bumuhos ang malakas na ulan kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko upang hindi gaanong mabasa.

Mabilis akong nakarating sa lugar na iyon. Sa pagtakbo ko ay tanaw ko na si leah na nakaupo lang.

Pansin ko ring nakayuko lang siya. Wala siyang dalang payong kaya basang basa ang buong katawan niya.

Tahimik akong lumapit sa kaniya nang hindi niya napapansin. Hindi ko naman kasi ineexpect na hihintayin niya ko nang ganitong oras. Hindi ko naman alam na kaya niyang maghintay kahit hindi niya siguradong darating ako.

"Balak mo ba talagang magpa ulan dito?"  umangat ang ulo niya nang magsalita ako.

Nakatingin lang siya na parang nagsusumbong na bata. Patuloy ang pagpatak ng luha niya kaya umupo ako sa harapan niya.

"Ano bang nangyari? Ha?"  napaiwas siya ng tingin nung tinitigan ko siya.

"Bakit ang tagal mo?"  patuloy ang pag iyak niya kaya hinatak ko na siya patayo at tumakbo.

Dinala ko siya sa tambayan namin ni klyde kung saan pwede kaming magpatila ng ulan.

Lagi namin tinatambayan ni klyde ang lugar na ito.

Ang "chocolate station"

Dito kami pumupunta ni klyde dahil nakakarelax ang buong paligid. Marami kang makikitang nakakahumaling sa mata.

Umorder ako ng hot chocolate para sa aming dalawa para mabawasan ang malamig na bumabalot sa aming dalawa.

"Ang ganda dito"  lumilikot ang dalawang mata niya dahil sa ganda niyang nakikita.

"Maganda talaga"  this time hindi ko na maiwasang mapatingin sa kaniya dahil sa gandang dala niya.

Hindi naman kasi talaga siya pangit na kasama o kabonding. Dito ko na realize na kahit hindi ka gusto ng taong gusto mo, may tao paring magpapahalaga sayo. At si Leah yun.

"Pano mo nalaman ito?" ngumiti siya ng malawak sa mukha ko.

"Tambayan namin ni klyde ito, tsaka wala naman na akong alam na masisilungan kaya, dito na lang"  ibinalik ko ang ngiti sa kaniya. Pansin ko ang mga nagtratrabaho sa chocolate station na sa amin nakatingin.

"Bakit pinagtitinginan tayo?"  ramdam kong nahihiya siya kaya napangiti ako.

"Ang ganda mo kasi eh"  namula ang pisngi niya kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Cute.

"Paano tayo uuwi kung malakas ang ulan?"  halos napaisip din ako sa sinabi niya kaya tinawag ko ang babae.

Nung tinawag ko siya ay napangiti lahat ng babae at nagtatatalon pa. Nakatingin lang ako sa kanila at mukhang kinikilig pa.

"Ano po y-yun?"  itinago niya ang buhok niya sa likod ng tenga niya kaya mahahalata mong may kakaiba.

"Pwedeng mahiram cellphone mo? Nakali

"Eto po, paki lagay na rin po yung number nyo hehe"  putol niya sakin na kinatawa ko.

Nakita ko rin ang mukha ni leah na nakabusangot. I guess she's jealous?

"Ate? Pwede po bang tumigil na po kayo kakatago ng takas na buhok nyo sa likod ng tenga mo? Nakakaasar po kasi"  halos kusang lumaglag ang panga ko nung marinig ko ang mga salitang iyon.

The Farewell Letter (Part 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora